Sinong kunsintidor ng mga sirena sa sasakyan? Bawal ito noong panahon ni dating PNP chief at ngayoy Sen. Ping Lacson. Tahimik noon ang kalye ng magkaroon ng oplan baklas sirena. Inaalis ng mga mayayabang ang kanilang wang-wang sa takot na makasuhan.
Ang Prez ng Pilipinas, Vice Prez, Senate Prez at House of Congress, Chief Justice, bumbero, police patrol cars at ambulansiya ang legal na gumamit ng sirena. Ngayon saksakan ng dami ang users, para labagin ang batas trapiko. Take note, LTO at PNP-TMG bossings, aksyunan nyo ito!
Sirena doon, blinker dito. Humahagibis ang kanilang mga sasakyan. Akala moy emergency kung pumalahaw iyon pala kakain lang o iinom sa restaurant.
Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO ay may maganda ring naiambag si Ping noong aktibo siya. Pero nang nawala ito, maraming kababalaghan ang nagsulputan.
Noong panahon ni Ping maraming takot na pulis, sabi ng kuwagong mandurugas.
Nang mawala si Ping, parang si Larry Boy ang takot sa pulis, dugtong ng kuwagong sepulturero.
Noong panahon ni Ping walang baboy na nagkalat sa kalye ngayon dumami ang buwaya.
Noon panahon ni Ping mga lihitimong sasakyan lang ang naka-sirena, ngayon pati kariton ay may wang-wang na rin.
Kinakampihan mo ba si Ping? tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.
Hindi! sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Anong gusto mong palitawin?
May disiplina!
Sino si Ping?
Ano sa palagay mo?
Pa-LAGAY na sila. He-he-he!