Inspectors mula sa Crame, nagliliwaliw sa Top Royale
October 22, 2001 | 12:00am
Hindi na dapat magtaka ang Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame kung sobra ang taas ng rating ng Western Police District (WPD) sa isinagawang general inspection sa kanilang sakop kamakailan.
Ang kadahilanan mga suki, anim na araw na kaligayahan ang ibinigay nila sa mga inspectors mula sa Camp Crame kayat hindi maialis ang pangambang bias na ang mga ito pabor sa WPD.
Itong Annual General Inspection-Operational Readiness on Security and Intelligence Test Evaluation (AGI-ORSITE) ay ginagawa upang malaman kung gaano kahanda ang ating pulisya laban sa kriminalidad at mga iba pang kalamidad. Pero sa pangyayaring ito, mukhang ang AGI-ORSITE na ito ay palakasan din kung ang sistema ng WPD ay bibigyang pansin.
Ayon sa mga nakausap kong pulis, tig-tatatlong araw na tumira ang mga inspectors mula sa Camp Crame sa Las Palmas Hotel sa Mabini at Pedro Gil Sts., at sa kalapit nitong City Garden Hotel. Siyempre pa, pati pagkain nila ay libre rin. At hindi lang yan. Halos gabi-gabi ay nakitang nagliliwaliw ang mga inspectors na pinangungunahan ng isang Superintendent (Lt. Col.) sa Top Royale nightclub sa Ongpin. All the way mga suki ang pag-estima sa kanila dahil may mga babae pa silang ka-table. He-he-he! Baka inggit lang ang mga nakausap ko ukol dito?
Kung masaya ang mga inspector ng Camp Crame sa kanilang pag-alis, doon naman nagsimulang sumakit ang ulo ng mga bataan ni Chief Supt. Nick Pasinos, ang hepe ng WPD. Bakit?
Kasi naiwang hilong-talilong ang mga tinatawag nating kolektor para mabawi naman ang kanilang ginastos sa anim na araw na kaligayahan ng mga inspector. Ano ba yan?
Ang agad kumilos ay itong sina SPO2 Tom Bio, ng Office of the District Director (ODD) at SPO1 Arnold Sandoval ng District Police Intelligence Unit (DPIU) para mapunuan ang nagastos sa AGI-ORSITE. At alam nyo ba kung sino ang nilapitan, mga suki? Walang iba kundi ang mga gambling lords at mga may-ari ng mga putahan. Walang pagbabago, di ba mga suki?
Pati itong si SPO1 Bernie O ng City Hall detachment ay kumilos na rin.Lumarga rin para mangolekta itong si SPO1 Bong Sioson at mukhang nagpangita sila ng landas nina Bio at Sandoval. Kung ayaw mong magbigay ng intelihensiya kay O, nandoon lang sa tabi-tabi si PO2 Ferdie Sulpico para manghuli, ayon sa mga pulis na nakausap ko. Hanga ang mga nakausap kong pulis sa magandang teamwork ng taga-City Hall detachment. Alam kaya ni Supt. Ernesto Ibay, hepe ng City Hall detachment itong play ng kanyang mga bataan? Tanong lang?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest