Kayo ay tiyak na maaantig sa kanyang mga salita:
Noong akoy isang alipin pa, akoy nagdusa nang matindi, subalit gayunman, hindi ko pa nakilala ang ating Panginoon. Maraming panahon at merito ang nawala sa akin. Dapat ko ngayong pag-igihin na matakpan ang kawalang iyon.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga Italian, sinabi niya: Masuwerte kayo ipinanganak sa isang Katolikong bansa: Sa ganang akin, natagpuan ko ito nang huli na. Magpasalamat sa Panginoon at sa Mahal na Birhen.
Naway para sa kaluwalhatian ng Diyos, at sa ikadadakila ng kanyang walang-hanggang kapangyarihan na ako ay nadala sa kaligtasan.
Kung ako may mananatiling nakaluhod sa buong buhay ko, yaon ay hindi magiging sapat upang maipahayag ko ang aking pasasalamat sa Butihing Diyos.
Nang kanyang pagnilayan ang pagkaalipin, nasabi niya, Bilang isang alipin, kailanmay hindi ako naging desperado, nakaramdam ako ng isang misteryosong lakas sa aking kalooban na nagtaguyod sa akin.
At narito ang kanyang magandang pangako: Kung pahihintulutan ako ng Panginoon, magsusugo ako mula sa langit ng napakaraming biyaya para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.
Si Sta. Josephine Bahkita ay nasa langit na ngayon. Kung anuman ang inyong kinakailangan ngayon maging ito man ay pisikal, espiritwal o sikolohikal na tulong o grasya, hingin ninyo sa kanya. Ipamamanhik niya ito para sa inyo.