^

PSN Opinyon

Barangay chairman na nagtatanggal ng kawani

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Si Gerry ay treasurer at si Pab ay secretary ng isang barangay. Nang manalo si Art bilang pinuno ng barangay tinanggal niya si Gerry at Pab at lima pang kawani. Hinirang niya sina Myrna at Diego bilang kapalit nina Gerry at Pab. Bilang pagtupad sa Local Government Code (Secs. 394 & 395) isinumite ni Art sa Sangguniang Barangay ang pagkakahirang kina Myrna at Diego. Ngunit hindi ito inaprubahan ng Sanggunian.

Nagdemanda sina Gerry at Pab at lima pang kawaning tinanggal ni Art na ibalik sila sa trabaho dahil ang pagtanggal sa kanila ay hindi inaprubahan ng Sanggunian. Ayon naman kay Art, hindi raw kailangang aprubahan ang pagtatanggal sa opisyal at kawani ng barangay. Ayon sa Local Government Code, ang paghirang lang at hindi ang pag-alis na kawani o opisyal ng barangay ang dapat aprubahan ng Sanggunian. Tama ba si Art?

Mali.
Ayon sa Local Government Code, ang paghirang at pagpalit ng mga opisyal sa barangay ay kailangang aprubahan ng Sangguniang barangay. Ang katagang ‘‘pagpalit’’ ay sumasaklaw hindi lamang ng paghirang ng kapalit kundi ang pagtanggal sa papalitan. Bago mapalitan, kailangan munang tanggalin ang nakaupo. Kaya ang kapangyarihan ng kapitan ng barangay na magtanggal ng opisyal ay nasasaklaw ng kapangyarihang maghirang. Kung kinakailangang aprubahan ng Sanggunian ang paghirang, kailangang aprubahan din nila ang pagtanggal (Alquizote Sr. et. al. vs. ocol et. al. G.R. No. 132413 August 27, 1999).

ALQUIZOTE SR.

AYON

BARANGAY

GERRY

LOCAL GOVERNMENT CODE

MYRNA

PAB

SANGGUNIAN

SANGGUNIANG BARANGAY

SI GERRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with