^

PSN Opinyon

Huwag sanang ma-anthrax ang ating Senado

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
Tumitindi na ang pagkatakot sa anthrax bacterium na mabilis na kumakalat sa United States. Lalong nahintakutan ang mga Amerikano nang mabalita na pinasok na ng anthrax ang US Senate, Pinag-iingat ngayon ang lahat ng mga tanggapan ng mga Amerikanong senador dahil sa nangyari kay US Senate Democratic Leader Tom Daschie.

Pati ang House of Representatives ay pinagsususpetsahan ding aatakehin ng anthrax. Kamakalawa, isang empleyadang babae sa tanggapan ni Rep. Patrick Kennedy, ang sinuri dahil nagkaroon ito ng skin rash. Hindi sinabi kung kasamang kinunan ng anthrax skin test si Kennedy.

Marami ang nag-aalala sa kalagayan ng mga Amerikanong senador at kongresista dahil sa pagkalat ng anthrax. Maganda kasi at epektibo ang ginagawa ng mga Amerikanong mambabatas. Tulung-tulong sila roon sa pagbibigay ng suporta sa kanilang gobyerno sa pakikipaglaban sa terorismo.

May nagtanong sa akin ng ganito. May mga malulungkot kaya kung ang Senado ng Pilipinas ang atakehin ng anthrax? Ewan ko! Ang alam ko, marami ang may gusto na mawala na ang Senado dahil wala na itong silbi sa bayan. Ano ang mangyayari sa mga senador? I-aabsorb na lang sila ng NBI at PNP bilang mga imbestigador!

AMERIKANO

AMERIKANONG

ANO

ANTHRAX

HOUSE OF REPRESENTATIVES

PATRICK KENNEDY

SENADO

SENATE DEMOCRATIC LEADER TOM DASCHIE

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with