Ang pamamaraan ng pagpili ng sex ng sanggol ay dahil sa isang machine na tinatawag na Microsort. May kakayahan ang Microsort na mag-sort ng human sperm. Ang technique na ito ay orihinal na inimbento sa Britain.
Pinalawak pa itong lalo ng mga Amerikano at nagsagawa ng trial sa IVF Institute sa Fairfax, Virginia. Ayon sa mga American scientist, ang proseso ay nagagamit sa pagbabalanse ng pamilya at para maiwasan din ang mga lethal diseases, na tulad ng hemophilia at muscular dystrophy.
Sa England noong 18th century ay may kakaibang pamamaraang ginagawa. Inaalis ang kaliwang bayag ng lalaki para magka-anak ng lalaki. Sa Amerika naman ay ipinapayo na magsuot ng masikip na underwear si mister kung gustong magkaanak ng babae. Kung lalaki naman ang gustong maging anak kailangang uminom ng kape bago mag-sex.