^

PSN Opinyon

Maaari nang piliin ang sex ng sanggol

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Sa panahong ito ng modernong teknolohiya at advanced medical knowledge, maaari nang piliin ng mga magulang ang sex ng kanilang sanggol. Maaari na nilang piliin kung lalaki o babae ang kanilang gustong maging baby.

Ang pamamaraan ng pagpili ng sex ng sanggol ay dahil sa isang machine na tinatawag na Microsort. May kakayahan ang Microsort na mag-sort ng human sperm. Ang technique na ito ay orihinal na inimbento sa Britain.

Pinalawak pa itong lalo ng mga Amerikano at nagsagawa ng trial sa IVF Institute sa Fairfax, Virginia. Ayon sa mga American scientist, ang proseso ay nagagamit sa pagbabalanse ng pamilya at para maiwasan din ang mga lethal diseases, na tulad ng hemophilia at muscular dystrophy.

Sa England noong 18th century ay may kakaibang pamamaraang ginagawa. Inaalis ang kaliwang bayag ng lalaki para magka-anak ng lalaki. Sa Amerika naman ay ipinapayo na magsuot ng masikip na underwear si mister kung gustong magkaanak ng babae. Kung lalaki naman ang gustong maging anak kailangang uminom ng kape bago mag-sex.

vuukle comment

AMERIKANO

AYON

FAIRFAX

INAALIS

LALAKI

MAAARI

MICROSORT

PINALAWAK

SA AMERIKA

SA ENGLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with