^

PSN Opinyon

Demonyo ka Mayor !

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
BUHAY pa ay inuuod na itong si Mayor Ronnie Mitra ng Panukulan ng Quezon. Siya at kanyang mga kabig ay nahulihan nang may 498 kilos na shabu noong Linggo. Gusto kasi nilang maging instant millionaire pero nakalimutan nilang gamitin ang kanilang lifeline kaya tinimbog sila ng kapulisan.

Dapat kumpiskahin ng gobyerno ang lahat ng ari-arian ni Mitra bago mailipat sa kanyang mga kabig. DoJ Secretary Nani Perez, Sir!

Ilang buhay ang sasayangin ni Mitra kung kumalat ang shabung nahuli rito? Para ring Osama bin Laden si Mayor. Pareho silang terorista kung pumatay, walang laban. Di ba, PNP bossing Larry Mendoza, Sir!

Tiyak kung tapos na ang maliligayang araw mo Mayor? Para ka makaligtas sa kulungan, ihulog mo ang mga matataas na taong nakapatong sa iyo? Ika nga, tipong star witness ang dating mo!

Ito ang Narcopolitics na sinasabi ni ISAFP bossing Victor Corpuz. Pera sa droga pambili ng boto? Okay ba, Comelec Commissioner Benipayo, Your Honor?

Kung hindi ba naman may sa demonyo si Mayor akalain n’yong gamitin pa niya ang ambulansiya ng baryo para pagsakyan ng shabu imbes na mga pasyenteng maysakit. Kamote ka, Mayor!

Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO sa miyembro ng 414th Police Mobile Force. Mabuhay kayo!

‘‘Bakit ba nahuli si Mayor?’’ tanong ng kuwagong Kotong Cop

‘‘Nagkabukulan daw kaya may taong naghulog sa kanilang malalim na operasyon,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano ngayon ang dapat gawin kay Mayor at mga kabig nito?’’

‘‘Paghimasin ng rehas.’’

‘‘Teka baka magkaroon ng switching sa droga dahil dinala ito sa Crame.’’

‘‘Palagay ko hindi.’’

‘‘Bakit?"

‘‘Ikakanta ulit sila ni Rosebud kapag nagkataon.’’

BAKIT

COMELEC COMMISSIONER BENIPAYO

CRAME

KOTONG COP

LARRY MENDOZA

MAYOR

MAYOR RONNIE MITRA

POLICE MOBILE FORCE

SECRETARY NANI PEREZ

VICTOR CORPUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with