^

PSN Opinyon

Masama ba'ng maglingkod

SAPOL - Jarius Bondoc -
SHHH, sikreto ito, pero ’yung listahan ni dating PSCO consultant Robert Rivero ng mga kolumnistang prinemyuhan umano ng Malacañang ng board seats sa government corporations, hindi talaga sa kanya galing. Luma nang listahan ’yon ni Sen. Ed Angara. Wala nga lang siyang lakas-loob na ilabas ang listahan, kaya kay Rivero niya ipinalahad.

Ang hindi ko maarok ay kung bakit pinalalabas nila na masama para sa isang peryodistang magtrabaho sa gobyerno. Dahil siguro malisyoso ang isip nila. Sa kanilang palagay, kapag tumanggap ng posisyon ang isang kolumnista, suhol na agad iyon. Natapalan na agad ang mata niya sa kabulukan sa gobyerno, natakpan na ang tenga sa hinaing ng bayan, nabusalan na ang bibig sa pagsiwalat ng katotohanan.

Aba’y hindi ganoon ’yon. May pumapasok sa gobyerno, peryodista man o hindi, sa hangad na magsilbi. Miski maliit ang suweldo at mabigat ang trabaho, bitbit ang talino’t karanasan sa pagpapaandar ng ahensiya at pagpapabuti ng kalagayan ng mamamayan. Kaya nga may mga doktor na sumasama sa Department of Health, mga engineer na nagtitiyaga sa Department of Public Works, mga abogado na nagsisilbing piskal o huwes miski delikado sa buhay.

Ang nag-iisip na lahat ng nasa gobyerno ay kawatan, malamang ay tunay na kawatan. Di ba’t yan ang angal ng mga dating kasamahan ni Rivero sa radyo? Nang mapuwesto raw ito sa PCSO nu’ng Marso, inipit ang mga kontrata’t singilin nila sa radio-TV ads. Kumikil daw si Rivero ng 50 porsiyento para lakaring maaprubahan ang mga kontrata, at 15 porsiyento para asikasuhing mapirmahan ang mga tseke.

Alam ni Angara na mali ang pananaw na kahit sino’ng pumasok sa gobyerno ay naghahanapbuhay lang. Kaya nga nagtago siya sa likod ni Rivero. Ayaw niyang matanong siya kung bakit siya nag-senador. Baka akusahan siyang pinagtatakpan lang ang pag-akda ng kanyang law firm, nu’ng panahon ni Marcos, ng pagsingil ng ngayo’y nawawalang coconut levy sa mga mahihirap na magsasaka.

ALAM

ANGARA

AYAW

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS

ED ANGARA

KAYA

RIVERO

ROBERT RIVERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with