Tatlong buwan pa lang sa puwesto si Mayor Sonny Belmonte. Pero mahigit P360 milyon na ang nagasta sa paghakot mula Enero-Hunyo, bago siya dumating. Tumaas pa man din ang singil ng haulers P3,600 bawat trip mula P2,300 dahil tumaas din ang presyo ng krudot piyesa.
Nag-iisip si SB ng paraan para makatipid. Kasi nga naman, mas mapapakinabangan ang pera sa edukasyon at kalusugan ng taga-QC. Binawasan niya ang mga tao na nakatalaga sa garbage collection mula 145 hanggang 72. Pati trucks, bawas na, dating 427, ngayoy 309 na lang at sinisikap pa niyang paabutin sa 230.
Napababa na ni SB ang buwanang gastos sa haulers: P47 milyon mula sa dating P63 milyon. Itoy sa pamamagitan ng mas mahusay na pagplano ng ruta. Maski bawas ang tao, truck at gastos, nahahakot ang 86 porsiyento ng basura araw-araw, di tulad noon na 60 porsiyento lang.
Mapapababa pa ito kung magse-segregate sana tayo ng basura. Di bababa sa 60 porsiyento ng ating basura tatlo sa bawat limang bag ay biodegradable o nabubulok. Kung lahat tayo ay magko-compost ng nabubulok, 40 porsiyento na lang ang hahakutin ng basurero. Yung nabubulok, maiiwan sa ating mga hukay para gawing fertilizer.
Recyclables na lang ang iaabot sa truck ng basura.
P450 milyon ang matitipid mula sa P900-milyong pondo sa hakot. P360 milyong na lang ang ibabayad sa haulers. Yung natipid, mailalaan ng City Hall sa pagtatayo ng mas maraming schools, pambili ng libro at gamot, pantustos sa mas maraming ospital at doktor. Mas malinis na ang QC, mas malusog at matalino pa ang naninirahan.
Huwag nating isipin na komo nagbabayad tayo ng fees sa business permits o taxes sa real estate, tagalinis at hakot na lang ang City Hall ng ating kalat. Tungkulin pa rin ng lahat ang kalinisan at pagtitipid.