^

PSN Opinyon

Tumulong naman tayo sa basura

SAPOL - Jarius Bondoc -
Maniwala kayo't sa hindi, gumagasta taun-taon ang Quezon City Hall ng P900 milyon-halos isang bilyon – para magpahakot ng basura. Kay laking halaga na maaring bawasan kung magtutulungan tayo.

Tatlong buwan pa lang sa puwesto si Mayor Sonny Belmonte. Pero mahigit P360 milyon na ang nagasta sa paghakot mula Enero-Hunyo, bago siya dumating. Tumaas pa man din ang singil ng haulers – P3,600 bawa’t trip mula P2,300 – dahil tumaas din ang presyo ng krudo’t piyesa.

Nag-iisip si SB ng paraan para makatipid. Kasi nga naman, mas mapapakinabangan ang pera sa edukasyon at kalusugan ng taga-QC. Binawasan niya ang mga tao na nakatalaga sa garbage collection mula 145 hanggang 72. Pati trucks, bawas na, dating 427, ngayo’y 309 na lang at sinisikap pa niyang paabutin sa 230.

Napababa na ni SB ang buwanang gastos sa haulers: P47 milyon mula sa dating P63 milyon. Ito’y sa pamamagitan ng mas mahusay na pagplano ng ruta. Maski bawas ang tao, truck at gastos, nahahakot ang 86 porsiyento ng basura araw-araw, di tulad noon na 60 porsiyento lang.

Mapapababa pa ito kung magse-segregate sana tayo ng basura. Di bababa sa 60 porsiyento ng ating basura – tatlo sa bawa’t limang bag – ay biodegradable o nabubulok. Kung lahat tayo ay magko-compost ng nabubulok, 40 porsiyento na lang ang hahakutin ng basurero. Yung nabubulok, maiiwan sa ating mga hukay para gawing fertilizer.

Recyclables na lang ang iaabot sa truck ng basura.

P450 milyon ang matitipid mula sa P900-milyong pondo sa hakot. P360 milyong na lang ang ibabayad sa haulers. Yung natipid, mailalaan ng City Hall sa pagtatayo ng mas maraming schools, pambili ng libro at gamot, pantustos sa mas maraming ospital at doktor. Mas malinis na ang QC, mas malusog at matalino pa ang naninirahan.

Huwag nating isipin na komo nagbabayad tayo ng fees sa business permits o taxes sa real estate, tagalinis at hakot na lang ang City Hall ng ating kalat. Tungkulin pa rin ng lahat ang kalinisan – at pagtitipid.

vuukle comment

BINAWASAN

CITY HALL

ENERO-HUNYO

HUWAG

KASI

LANG

MAYOR SONNY BELMONTE

QUEZON CITY HALL

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with