Our very own thoughts are beginning to terrorize us with grim scenarios of possible terrorist attacks that may directly victimize us.
Isa sa mga kinatatakutan ngayon ay ang chemical or bio-terrorism. Itoy sa pamamagitan ng paghahasik ng mga terorista ng mga mapaminsalang kemikal o kayay mikrobyo na magbubunga ng sakit o pinsala sa ating katawan.
At nangyari na nga ito sa dalawang media outfit sa United States.
May lima-katao nang naitatalang kinapitan ng kinatatakutang sakit na anthrax at ang isa ritoy namatay na. Ang mikrobyong anthrax ay naipadadala raw sa pamamagitan ng sulat na kapag binuklat ng pinadalhan ay posibleng malanghap niya ang anthrax spores na nakapaloob dito at dadapuan siya ng karamdaman.
Pati tuloy akoy kinakabahan sa tuwing ipapanhik sa aking opisina ng guard dito sa Star Group ang mga liham na tinatanggap ko, pero pag-iingat na lang ang ating pinaiiral. Hindi naman natin maaaring ibasura ang mga liham na ito na ang maramiy humihingi ng tulong ng ating pahayagan.
Sa isinasagawang pananalakay ng US-led allied forces sa Afghanistan upang madakip si Osama bin Laden, nararamdaman na ng mga terorista ang init ng digmaan. And true to their loyalty to the cause they are fighting for, natural na reaksyon na silay gumanti kahit sino ang tamaan.
Sa lahat ng bansa, may mga teroristang galamay si bin Laden, at dito sa Pilipinas ay hindi na natin kailangang banggitin pa ang presensya ng Abu Sayyaf. Well, its up to the government to impose the needed security measures for the protection of its citizens pero dapat din tayong maging vigilant bilang mamamayan.
Ang mga posibleng pambobomba o paghahasik ng bio-terrorism ay puwedeng tanuran at pigilan. Pero may isang uri ng pag-atake na mahirap bantayan.
Ito ay ang cyber terrorism. Maaaring pasukin ng mga computer expert na terorista ang mga computer system ng mga banko, transportasyon, elektrisidad o kayay pati ang mga nuclear arsenal ng mga bansang nag-iingat ng ganitong armas.
Yaong pinangangambahan nating computer glitz noong bago pumasok ang taong 2000 ay maaaring mangyari kapag na-infiltrate ng mga cyber terrorist ang website.
Sobra na sa pagka-hi-tech ang ating mundo palibhasa at ang nagpapatakbo sa ating ekonomiya, transportasyon, militar at maraming aspeto ng pamumuhay ay computer.
Kung magaganap ito (God forbid) maaaring bumagsak ang ekonomiya, magbanggaan ang mga eroplano sa himpapawid o sumabog ang mga nuclear weapons na hangga ngayoy iniingatan ng ilang mga bansa.
Ang mahirap sa ganitong klase ng terorismo, hindi mo alam kung nasaan ang mga teroristang kumakalikot ng computers upang manggulo. Parang pelikula pero posibleng mangyari.
Kaya maingat man ang Amerika at mga kaalyadong puwersa para huwag mabasag ang coalition ng mga bansang Muslim na sumusuporta rito, sa pamamagitan ng mga cyber genius ng mga terorista, maaaring magsimula ang kinatatakutang Ikatlong Digmaang Pandaigdig.
Iyan ang mga naglulumarong grim scenario sa aking isip. Ngunit bakit tayo mangangamba at bakit matatakot kung maaari naman tayong manalangin sa Panginoong Diyos? Remember, greater is God who is in us than he who is in this world.