Pagkaing may Vitamin C mabisa laban sa katarata

Ang katarata ay isa sa mga sakit na pumipinsala sa mga mata. Kapag hindi ito naagapan dadaan sa operasyon ang mata at malaki ang gagastusin.

Batay sa pagsasaliksik ang katarata ay maiiwasan sa pagkain ng mga sariwang gulay at prutas na mayaman sa Vitamin C. Sa isang malawakang nurses health study sa mahigit 120,000 kababaihan sa Amerika na kumain ng mga masustansiya at mayaman sa Vitamin C ay hindi kinapitan ng katarata.

Ayon kay Paul F. Jacques, acting chief of epidemiology sa Jean Mayer USDA Human Nutrition Center on Aging sa Tufts University, ang maximum protection sa katarata ay matatamo sa pagkunsumo ng 100 hanggang 250 milligrams ng Vitamin C bawat araw. Mayaman sa Vitamin C ang brocoli, siling pula o red pepper, berries, citrus fruits and juices at Brussels sprouts.

Sinabi rin ng American researcher na ang dalandan at kalamansi ay mabisa ring pananggalang sa tinatawag na mascular degeneration na pangunahing sanhi ng legal blindness sa mga nagkaka-edad.

Ipinaliwanag niya na ang legal blindness ay nagaganap kapag napinsala ang retina ng mata sa pamamagitan ng thinning, scarring or bleeding.

Ipinaliwanag naman ni Dr. William Connor, professor of medicine and clinical nutrition sa Oregon Health Sciences University sa Portland, na ang mga anti-oxidants, na lutein at zeaxanthin ay importante para ang mga mata ay huwag tubuan ng katarata at iba pang sakit na nagiging dahilan ng pagkabulag.

Show comments