Amusement center na ang Senado
October 13, 2001 | 12:00am
Marami ang hindi nanood ng sine noong Huwebes at sa palabas sa TV sila tumutok. Kumpleto ang star cast na pinangungunahan ni First Gentleman Mike Arroyo. Kasama ang mga entertainers ng Senado.
Naroon si Bing Rodrigo, dating correspondence secretary ni GMA. Tila urong-sulong ba? Mukhang nagbago na yata ang linya niya sa script. Hindi na si First Gentleman ang iniipit sa telecom scam. Hindi na rin ito kasama sa listahan. Sabi ko na nga ba, nabigla lamang si Bing nang isangkot si First Gentleman.
Sa isang linggo ay babalik na naman si First Gentleman sa senado upang harapin ang panibagong eskandalo na inilabas ni Robert Rivero. Ito ay tungkol sa diumanoy paggamit ng P250-milyong pondo ng PCSO sa kandidatura nina Juan Flavier, Joker Arroyo, Ernesto Herrera at Obet Pagdanganan.
Dahil sa dami ng mga imbestigasyong ginagawa ng Senado, maaaring talunin na nito ang National Bureau of Investigation at Philippine National Police. Nakalimutan na yata ng mga senador na ang trabaho nila ay gumawa ng batas. Baka naman alam nilang sobra-sobra na ang mga batas kaya ayaw na nilang dagdagan pa. Sabagay sa dami ng mga batas, wala naman halos nasusunod.
Kaya mga kababayan, abangan ang pagpapatuloy ng mga imbestigador dahil sa dami ng duming nakakapit sa ating bansa ngayon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest