Supts. Navarro at Macalalad kapit-tuko; Ginagaya si Gen. Mendoza
October 12, 2001 | 12:00am
Kung noong panahon ni dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayon Senador Ping Lacson ang mga opisyal ng pulis natin ay ginugusto pang ma-floating kaysa maupo sa puwesto sa takot sa responsibilidad, iba na sa ngayon. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na balik na naman sa palakasan system ang pagpili ng provincial directors at station commanders at lamang dito ang marunong magsiksik ng sarili kay PNP Chief Director General Leandro Mendoza.
Kaya siguro ayaw umalis ni Mendoza at 20 pang magreretirong opisyal ng pulisya sa susunod na taon sa puwesto ay dahil sobrang sarap ng feeling nila o dili kayay nasa cloud 9 sila. Mababaw ang kanilang dahilan na kulang ng P14 bilyong pondo ang gobyerno.
At dahil sa masamang ehemplong ginagawa ng grupo ng mga magreretirong opisyal ng pulisya, marami ang gustong gumaya sa kanila. Ibig kong sabihin, walang kakayahan si Mendoza na mag-utos na wakasan na ng mga magreretirong pulis ang serbisyo nila dahil siya mismo ay may ambition ding manatili sa puwesto. Kung ano ang puno yon din ang bunga. Ika nga.
Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Ang tinutukoy ko mga suki na kapit-tuko o gumagaya sa grupo ni Mendoza ay itong sina Supt. Rolando Navarro, hepe ng Muntinlupa City police at Supt. Reynaldo Macalalad, hepe naman ng Antipolo City police. Kapwa sila magreretiro sa darating na Disyembre.
Bakit ayaw umalis sa puwesto nina Navarro at Macalalad? May nagawa ba silang kahanga-hanga para sa Muntinlupa at Antipolo at kailangan pang i-retain sila? O dili kayay mas magaling ba talaga sila sa mga natitira pang opisyales ng ating pulisya? Wala diyan ang kasagutan mga suki!
Kaya hindi maalis-alis sa puwesto si Navarro ay dahil sa patuloy na pagkalong sa kanya ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi. Ang qualification naman ni Macalalad ay malapit siya kay Sr. Supt. Ricardo Dapat, ang tinaguriang man Friday ni Mendoza. Kaya naman pala.
Sa memorandum kasi na ipinalabas ni dating Interior Secretary Rafael Alunan, ang mga opisyales ng pulisya na tatlong buwan na lamang sa tungkulin ay pinagbitaw na sa puwesto at ng mabigyan sila ng tamang panahon para lakarin ang mga retirement papers nila. Pero halos dalawang buwan na lamang sa serbisyo itong sina Navarro at Macalalad subalit mukhang wala silang balak na pagbigyan naman ang mga kabaro nila. Ang tibay ng dibdib nyo mga Sirs.
Wala akong reklamo kung talagang sina Navarro at Macalalad ay talagang nagtatrabaho. Pero kahit magbasa lang kayo ng diyaryo, matutunghayan nyong kaliwat kanan ang krimen sa dalawang siyudad tulad ng FX hold-up at iba pa.
May sumabog pa sa Rempson Supermarket sa Antipolo City noong nakaraang buwan na hanggang sa ngayon ay hindi pa nalulutas. Naging pugad na rin ng droga ang siyudad pero mukhang ayaw ni Macalalad na masabit pa sa kaso.
Namumugad na rin ang jueteng at kung ano pang uri ng illegal na sugal sa dalawang siyudad na mukhang may go-signal ng dalawang opisyal ng PNP. Habang nasa puwesto pa itong sina Navarro at Macalalad hindi maiwasan na aanayin pa nila ang pangalan ni Mendoza.
At hindi rin natin masisisi si Senator Lacson kung palagi siyang nakasimangot sa ngayon. Nawala lahat ang pinaghirapan nila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest