^

PSN Opinyon

Lahat kontra droga

SAPOL - Jarius Bondoc -
Nagsumbong sa akin ang isang reader na nawalan na ng tiwala sa awtoridad. Itatago ko siya sa ngalang Isagani, for obvious reasons. Ani Isagani at ito’y nakumpirma ko shabu pusher ang anak ng kasera niya sa 3551 Magsaysay Blvd. kanto ng Altura, Sta. Mesa, Manila. Labas-masok ito sa piitan ng pulis at NBI, at kalalabas lang mula sa Munti. Pero hayon, balik sa da-ting gawi’t nagtitinda ng droga. Ang pangalan: BS.

Kadalasan hindi ko pinapatulan ang tips tungkol sa drug pushers. Hindi naman sa wala akong tiwala sa readers. Nais ko kasi maging mas involved tayong lahat, di lang pulis o press, sa giyera kontra droga. Sa sama-sama nating pagsuplong sa pushers at pagtulong sa users, malilipol ang salot. Bukod dito, may ganansiya ang ordinaryong mamamayan sa kampanya. Nagbibigay ng cash rewards ang National Drug Enforcement and Prevention Coordinating Council sa mga nagsusuplong ng pushers sa lugar nila. Kung kailangan ng witness protection, puwede rin, ani PNP Dir. Mike Coronel, hepe ng Council. Pumunta lang daw sa barangay hall at punuan ang papeles para isuplong ang pusher. Miski alias ang ipirma, puwede, basta buo at totoo ang salaysay, at may paraang ma-contact ng Council ng nagsuplong.

Pero naiintindihan ko ang problema ni Isagani. Hindi siya basta makadulog sa barangay: Kasi may opisyal doon na di lang kaibigan ni pusher BS, kundi user din ng shabu nito. At ’yung isang nangangaserang tulad ni Isagani, pinalayas ni BS nang isuplong siya minsan. Binantaan pa ang buhay, dahil maraming pera at kapit na maduming pulis si BS.

Ang lookout ni BS sa pagtutulak ng shabu ay ’yung tumatao sa fruit stand sa tapat-bahay niya. Nakaharang sa bangketa, pero di sinisita ng pulis. Nakaka-traffic sa daan habang nagna-narcotrafficking, kumbaga.

I-operate sana ni Coronel sina BS at ang protektor niyang barangay officer. Kapag nasakote sila, sa akin ang reward. Ehek, biro lang, Isagani. Pero kung may ibang taga-riyan sa area niyo, isuplong niyo nga sina BS at ’yung barangay officer. Sa inyo ang reward. Miski balato lang sa akin, okey na. Miski wala, okey din. Basta sama-sama tayo kontra droga.

ALTURA

ANI ISAGANI

BINANTAAN

BUKOD

DRUG ENFORCEMENT AND PREVENTION COORDINATING COUNCIL

ISAGANI

MAGSAYSAY BLVD

MIKE CORONEL

MISKI

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with