^

PSN Opinyon

Lacuna tagumpay kay Abang dahil kay 'Mr.Hataw'

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Nagsara noong nakaraang linggo ang ilegal na negosyo ni Boy Abang, ang bookies king ng Maynila, at ang isang hayagang natuwa ay si Manila Vice Mayor Danny Lacuna.

Sa development na ‘to, maari nating sabihin na nagtagumpay si Lacuna sa hangarin niyang maperwisyo ang negosyo ni Abang. Pero sa tingin ko, mukhang epektibo ang pagkalong niya kay SPO1 Rene de Jesus na bansagan nating "Mr. Hataw" hindi sa kasipagan niyang manghuli ng pasugalan at putahan kundi dahil sa sobrang taas niyang manghingi ng lingguhang intelihensiya.

Sa sobrang tagal na ni Boy Abang sa kanyang negosyo, maraming bagyo at samut’ saring delubyo na ang dumaan sa kanya, subalit walang nakapagsara sa ilegal niya. Si De Jesus o Mr. Hataw lang pala ang katapat niya.

Kung nagtagumpay si Lacuna sa pagsara ng negosyo ni Boy Abang, naiwan namang luhaan itong si Manila Mayor Lito Atienza. Pinakitaan kasi si Atienza ni Lacuna ng political will kaya’t hayun sa kangkungan ang bagsak ni Boy Abang.

Sa pagsara ni Boy Abang, sumikip na rin ang pumapasok na lingguhang intelihensiya sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), National Capital Regional Police Office (NCRPO), Western Police District at City Hall detachment. He-he-he! Maghigpit muna kayo ng sinturon mga ‘igan.

Kaya hindi nakapagtataka kung humaharibas ng husto itong mga "scooter boys" na gumigisa ng pangalan ng kaibigan kong si Supt. Jojo de Guzman, hepe ng WPD Station 11 sa Binondo. Mukhang bumabawi sila. Ang "scooter boys" ay binubuo nina PO1’s Ferdinand Cajipe alyas Buboy, Fernan Lagando, Arnold Malay at Rolando Ladres na ayon sa espiya ko ay "hulidap" ang lakad. Ang babata n’yo pa mga ‘tol. Masipag sanang manghuli itong "scooter boys" kaya lang nagrereklamo ang natatamaan dahil karamihan sa kanila ay nagbibigay naman ng lingguhang intelihensiya. Di ba Insp. Romualdo de la Cruz alyas "Balakang? Mukhang aral itong "scooter boys" kay SPO2 Ver Manalang ng San Nicolas detachment.

Sa City Hall detachment naman ay tuloy pa rin ang ligaya. Ang mga "butas" doon ay may bansag na Ibay, Paglinawan, Pagdilao, Juan, Sanchez, Reyes at Cabagnot ng anti-littering. Apektado rin sila sa pagsara ni Boy Abang. Bakit hindi utusan ni Atienza itong City Hall detachment na ipasara ang natitirang pasugalan sa Maynila para makabawi siya o di kaya’y maunahan niya si Lacuna.

ABANG

ARNOLD MALAY

ATIENZA

BOY ABANG

CITY HALL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FERDINAND CAJIPE

FERNAN LAGANDO

MR. HATAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with