^

PSN Opinyon

Humihingi ng pagsisisi

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Si Jesus ay maamo, maawain at mabait. Subalit bilang isang tagapagpahayag ng paghahari ng Diyos, nangamba rin siya para roon sa mga hindi nagsisisi. Ang paghahari ng Diyos sa ating buhay ay nangangahulugan na dapat nating aminin na ang ating mga makasalanang buhay ay hadlang sa paghahari ng Diyos sa ating buhay. Tulad ng alibughang anak, dapat nating sabihin: ‘‘Ama, ako ay nagkasala. Nais kong bumalik sa iyo. Yakapin mo muli ako.’’

Si Pedro, na isang makasalanan, ay umamin sa kanyang pagkakasala. Si Saul na nagpahirap at umusig sa mga Kristiyano, ay isiniwalat na siya ang pinakamalaking makasalanan. Ganoon din si Agustin.

Pakinggan si Jesus at kanyang mga babala laban sa Corazin, Betsaida at Capernaum. Mapagpakumbabang pakinggan ang mga babala na maaari ring para sa atin (Lk. 10:13-16).

"Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida. Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, disin sana’y malaon na silang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo upang ipakilalang sila’y nagsisisi. Sa araw ng Paghuhukom, higit na mabigat ang kaparusahan ninyo kaysa kaparusahan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon.

‘‘At ikaw, Capernaum, ibig mong mataas hanggang sa langit? Ibabagsak ka sa Hades! Ang nakikinig sa inyo’y nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyo’y nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.’’


Sinasabi sa atin ni Lukas na ang pagpapahayag ng paghahari ng Diyos ay humihingi sa tagapagpahayag na manawagan ito na magsisi ang mga tao. Ito ang ginawa ni Jesus. Pakinggang mabuti. Mapagpakumbabang makinig. Yaong mga makakarinig kay Jesus ay nagsisisi. Yaong mga nakikinig kay Jesus ay nakikinig sa Amang nagsugo rito.

vuukle comment

BETSAIDA

CAPERNAUM

CORAZIN

DIYOS

KAWAWA

MAPAGPAKUMBABANG

SI JESUS

SI PEDRO

SI SAUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with