Kinidnap ng pitong kidnappers sina Connie Yap Wong, 52, isang Filipino Chinese businesswoman; escort nitong WPD policeman na si PO1 Dionisio Borca, 24, at ang driver na si Arcangel Barquilla noong October 1 sa Bgy. Manresa, Quezon City. Nag-demand ng P40 million ang mga kidnappers subalit hindi nagkasundo. Dinala ang tatlo sa Bgy. Bignay, Valenzuela City at doon pinagbabaril. Himala namang nakaligtas si Barquilla nang hindi umano pumutok ang baril ng mga kidnappers.
Ilang buwan na ang nakararaan nang magbanta si President Gloria Macapagal-Arroyo na madudurog na ang lahat ng mga criminal elements sa bansa. Ang pagbabanta ay tulad din ng ginawa niya sa mga Abu Sayyaf. Hanggang sa kasalukuyan, namamayagpag pa rin ang mga bandido at mga kidnappers.
Sa pag-atake ng mga kidnappers ay bumabalik na naman ang pagkatakot ng taumbayan. Maitatanong na saang lugar pa nga ba rito sa Pilipinas ligtas? Binuwag ni GMA ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) at pinalitan ito ng National Anti-Crime Commissions Anti-Kidnapping for Ransom Task Force (NAKTAF). Sa pagbuwag sa PAOCTF ay umasa ang taumbayan na wala nang mga halang ang kaluluwang mangingidnap. Nasangkot ang PAOCTF sa mga kidnap for ransom activities at isa ito sa mga akusasyong ibinabato kay Sen. Panfilo Lacson. Si Lacson ang dating hepe ng PAOCTF. Iniimbestigahan ng Senado ang mga akusasyon kay Lacson.
Ang pamamayagpag ng mga kidnappers ay nararapat bigyang-pansin ng mga awtoridad. Hanggat may mga kidnappers, walang dayuhang magnanais magtungo sa ating bansa. Hindi nila gugustuhing pumunta rito para makidnap. Kapag nagpatuloy ang mga kidnappers, kawawa ang bansa at kawawa ang mga Pinoy. Durugin ang mga kidnap for ransom gang!Bgy. Bignay, Valenzuela City at doon pinagbabaril. Himala namang nakaligtas si Barquilla nang hindi umano pumutok ang baril ng mga kidnappers.
Ilang buwan na ang nakararaan nang magbanta si President Gloria Macapagal-Arroyo na madudurog na ang lahat ng mga criminal elements sa bansa. Ang pagbabanta ay tulad din ng ginawa niya sa mga Abu Sayyaf. Hanggang sa kasalukuyan, namamayagpag pa rin ang mga bandido at mga kidnappers.
Sa pag-atake ng mga kidnappers ay bumabalik na naman ang pagkatakot ng taumbayan. Maitatanong na saang lugar pa nga ba rito sa Pilipinas ligtas? Binuwag ni GMA ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) at pinalitan ito ng National Anti-Crime Commissions Anti-Kidnapping for Ransom Task Force (NAKTAF). Sa pagbuwag sa PAOCTF ay umasa ang taumbayan na wala nang mga halang ang kaluluwang mangingidnap. Nasangkot ang PAOCTF sa mga kidnap for ransom activities at isa ito sa mga akusasyong ibinabato kay Sen. Panfilo Lacson. Si Lacson ang dating hepe ng PAOCTF. Iniimbestigahan ng Senado ang mga akusasyon kay Lacson.
Ang pamamayagpag ng mga kidnappers ay nararapat bigyang-pansin ng mga awtoridad. Hanggat may mga kidnappers, walang dayuhang magnanais magtungo sa ating bansa. Hindi nila gugustuhing pumunta rito para makidnap. Kapag nagpatuloy ang mga kidnappers, kawawa ang bansa at kawawa ang mga Pinoy. Durugin ang mga kidnap for ransom gang!