^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sakit dahil sa maruming hangin

-
Biochemical warfare raw! Ito ang unang naisip na dahilan sa pagkakasakit ng mga estudyante sa may anim na private schools kamakalawa. Kagagawan daw ng mga terorista. Ito lang naman ang pinakamadaling maisip lalo pa’t buong mundo na ang nakaabang sa pagdurog ng Amerika kay international terrorist Osama bin Laden at mga kampon nito. Napurga ng kung anu-anong espekulasyon mula nang mangyari ang trahedya sa America. Kaunting kibot ay marami na ang nataranta sapagkat kakaibang giyera ang nakikita. Hindi sopistikadong armas kundi giyera ng mga mikrobyo.

Sinuspinde ang ilang school sa Metro Manila kamakalawa makaraang tamaan ng misteryosong virus ang mga estudyante ng De Salle School at Xavier School sa Greenhills. Nakaranas ng pagkahilo, paninikip ng dibdib, lagnat, pagsusuka at pag-ubo ang mga estudyante. Ang mga estudyante ng Poveda Learning Institute sa Ortigas at St. Bridgets School sa Quezon City ay halos ganito rin ang mga naranasan. Mabilis namang sinuspinde ng iba pang eskuwelahan ang klase. Sinabi naman ng Department of Education na walang dapat ipag-alala at hindi dapat mag-panic. Itinanggi naman ng Department of Health na ang misteryosong virus ay germ attack. Ito aniya ay influenza na karaniwang tumatama sa buwang ito. Dala umano ng hangin at tubig.

Nababalot ng misteryo ang pag-atake ng virus na pawang mga estudyante sa private schools ang biniktima. At kakatwang ang mga school ay magkakalapit-lapit pa. Ang location ay malapit sa EDSA. Mayroon kaming palagay na malaki ang kaugnayan ng grabeng air pollution sa biglang pagkakasakit ng mga estudyante. Ang EDSA ay pugad ng pollution dahil sa kagagawan ng mga kakarag-karag na mga bus at iba pang mga sasakyan. At ang Clean Air Act na isinabatas noong 1999 ay walang magawa o walang silbi para mapigilan ang mga sasakyang nagbubuga ng lason. Malaki ang aming paniwalang ang lasong ito ay nalalanghap hindi lamang ng mga estudyante kundi ng mga residente.

Ang Clean Air Act ay isa sa mga batas na pinagdebatehan subalit hanggang ngayo’y hindi lubusang maipatupad. Sayang lamang sapagkat ang tanging naipatutupad pa lamang ay ang paggamit ng unleaded gas. Ang pagbabawal sa paggamit ng incinerators ay nilalabag. Marami ang hindi sumusunod sa batas sapagkat ningas-kogon ang pagpapatupad.

Malayo pang isiping ang tumama sa mga biktima ay kemikal mula sa mga terorista. Ang lasong papatay ay galing din mismo sa kapaligirang sinasalaula. Ngayon ang tamang panahon para kumilos ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas na sumasaklaw para maging malinis ang hangin.

ANG CLEAN AIR ACT

CLEAN AIR ACT

DE SALLE SCHOOL

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

ESTUDYANTE

METRO MANILA

POVEDA LEARNING INSTITUTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with