Pero kailangan din tayo ng Amerika, dahil gusto nilang magamit ang mga bases dito sa Pilipinas tulad ng Clark at Subic. Strategic ang posisyon ng mga bases na ito at malaki ang ginhawa ng Amerika sa paggamit nito. Kaya dapat ay ma-maximize natin ang sitwasyong ito. Marami tayong problema sa ating bansa tungkol din sa terorismo. Kung matutulungan tayo ng Amerika, maraming salamat.
Sa budget nilang $40 bilyon, siguradong maaambunan ang mobilisasyon nila sa Pilipinas. Malaking tulong din ito para sa laban natin sa Abu Sayyaf. Tutal, ang giyera naman nila ay sa terorismo rin, idamay na nila rito ang Abu Sayyaf. Ano ba naman kung mabibigyan tayo ng hi-tech na armas at kasangkapan gaya ng night vision, heat sensors, satellite tracking at movement detectors. O di kaya ay mga helicopters at hi-tech communication equipment. E di masaya ang military natin at wala ng laban ang bandido sa kanila.
Sa totoo lang, kung ang terorismo sa Pilipinas ay pinopondohan ni Bin Laden, e di humingi rin tayo ng suporta sa ibang bansa. Nakaaawa na rin ang mga front liners natin sa Mindanao, at halos pinaiikutan na lamang ng kanilang kalaban. Dapat ay armasan din natin ang mga ito ng magkaroon ng tunay na pagsugpo sa masasamang loob sa lugar na iyon.
Kung ang utang ng Pakistan ay binura dahil sa kanilang suporta, ano ba naman ang ilang mga armas at kagamitang military para sa paggamit nila sa Clark at Subic.