May I go out
October 2, 2001 | 12:00am
Good news mula sa MMDA: Magtatayo sila ng maraming public toilets sa kahabaan ng EDSA. Pagcor ang gagasta; PNP ang magbabantay at maglilinis. May bayad ang paggamit, pero abot-kaya ng lahat.
Siguro naman mawawala na yung mga mahilig humarap na lang basta sa pader para magdilig. (Mawawala rin yung mga sumisigaw ng Hoy, traydor, humarap ka!) Hindi na mangingilabot at magkakasakit sa bato ang mga babae sa paghahanap ng palikuran. (Bawal ang bosohan dahil nakatanod ang PNP huwag nga lang magbantay-salakay). At sana burahin na rin yung mga karatulang humihiyaw, wrong spelling pa, na bawal tomai at omehi dito. (Sorry, ha, baka kumakain kayo).
Noon pa dapat ginawa ito ng MMDA. Tanda ng kalinisan ng isang lahi ang pagtatayo ng public toilets. Sa Uropa, ang gaganda ng toilets sa bangketa. Pag-flush mo, hindi lang basta babagsak ang dumi; aalog pa ang inidoro at may lalabas na brushes mula sa pader para iskobahin ito. May model pa nga sa Paris na lulubog ang bowl sa ilalim ng lupa kung saan may kumukulong tubig, at may lilitaw na kapalit na bowl.
Makakabuti rin sa turismo ang public toilets sa EDSA. Hindi na mangingilag ng mga turistang pumapasyal sa Kamaynilaan kung alam nilang friendly ito sa tao. Kayat sanay maging successful ang plano ng MMDA. Balak nila kasing magtayo ng public toilets sa buong siyudad.
Pero bakit ba may kutob akong masasalaula ang mga kubeta? Bakit parang hindi ako kampanteng magtatagal ito?
Dala na kasi ako sa pakulo ng gobyerno. Kadalasan, ningas-kogon. Sa simula lang maganda, tapos napapabayaan na. Sa street signs na lang, hinahayaang kalawangin. Mga bangketa, pinaokupa sa vendors.
Nakikinita ko na. Yang MMDA public toilets, papasukin sa gabi kapag wala nang pulis. Nanakawin ang bowls para ibenta. Di maglalaon, titirahan pa ng mga homeless. Kung bus stop ginagawang bahay; yon pa kayang may pader at pinto?
Ganoon pa man, enjoy-in natin habang nariyan ang public toilets. Kaya pila-pila lang, mga mare at pare, at walang tulakan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended