Happy birthday Kuya Germs
September 30, 2001 | 12:00am
Ibang klaseng germ ang gusto kong pagtuunan ng pansin ngayon sa aking column. Ang germ na tinutukoy ko ay hindi mikrobyo kundi ang sikat na si German Moreno na magdaraos ng kanyang birthday sa October 4. Nabaling kay Kuya Germs ang aking atensiyon sapagkat ang buhay ng taong ito ay sadyang makulay at magandang pagkunan ng inspirasyon sa buhay. Mainam na gawing halimbawa ng mga nagnanais magtagumpay sa larangang napili.
Si Kuya Germs ay nagsimula bilang karaniwang janitor sa Clover theatre. Marami siyang dinaanang pagsubok. Matiyaga at masikap at kahit na anong hirap yata ay papasukin matupad lamang ang pangarap. Ang pagsisikap niya ay nagbunga. Mula sa pagiging janitor, naabot niya ang pangarap na sumikat hindi lamang sa pelikula kundi maging sa radyo, telebisyon at diyaryo. Katunayay may column siya rito sa Pilipino Star NGAYON. Tinagurian siyang Mr. Entertainment at nakilala hindi lamang dito sa ating bansa kundi maging sa abroad.
Isa marahil dahilan kung bakit naabot ni Kuya Germs ang kanyang pangarap ay dahil sa paglingon niya sa mga taong tumulong sa kanya noon. Hindi niya kinalilimutan ang mga ito. Ang lahat ng kanyang pinagkakautangan ng loob ay laging nasa kanyang puso. Hanggang ngayon, matulungin pa rin si Kuya Germs sa kanyang kapwa isang pagpapakita ng kabutihan na siya man ay galing din sa ibaba. Subalit nakapagtatakang sa kabila na gumagawa siya ng kabutihan, marami pa rin ang nagnanais na siya ay ibagsak. Maraming mga detractors na gusto siyang hilahin pababa. Pero hindi nila maibagsak si Kuya Germs. Isang patunay ito ng kasabihang "You cannot put a good man down."
Happy birthday Kuya Germs. Hangad ko ang tagumpay mo sa mga larangang iyong pinasukan.
Congratulations to Dr. John Nite as he hosts a unique radio program via satellite which is linked to Italy, Taiwan and Hong Kong. Ang kanyang programang "Kabayan Radyo" ay mapapakinggan tuwing Linggo mula alas-6 ng gabi hanggang alas-8. John, who is physical therapist and a Doctor of Medicine graduate from UST, discusses health issues and includes entertainment tidbits in his program as he answers questions from Filipinos in foreign lands.
Ibig kong batiin ang mga naging kaklase sa UP High School noong 1950 na nagselebreyt ng kanilang birthdays nitong September. Sila ay sina: Pacita Putong, Rogelio Austria, Teddy Bonifacio, Elpidio Lolong, Pablito Manhit, Amelia Catacutan, Ofelia Lagmay, Roger Relova, Marcelino Reysio-Cruz, Hortecis Salazar, Eva Florentino, Liwanag Tolentino and Jose Belmonte Jr.
Inaanyayahan naman ni Bernie Niguidula na magbi-birthday bukas (October 1) ang lahat ng aming kaklase para sa isang salu-salo sa kanyang bahay sa 46 Kingsville, White Plains, Quezon City ngayong araw na ito dakong alas-6:30 ng gabi.
Si Kuya Germs ay nagsimula bilang karaniwang janitor sa Clover theatre. Marami siyang dinaanang pagsubok. Matiyaga at masikap at kahit na anong hirap yata ay papasukin matupad lamang ang pangarap. Ang pagsisikap niya ay nagbunga. Mula sa pagiging janitor, naabot niya ang pangarap na sumikat hindi lamang sa pelikula kundi maging sa radyo, telebisyon at diyaryo. Katunayay may column siya rito sa Pilipino Star NGAYON. Tinagurian siyang Mr. Entertainment at nakilala hindi lamang dito sa ating bansa kundi maging sa abroad.
Isa marahil dahilan kung bakit naabot ni Kuya Germs ang kanyang pangarap ay dahil sa paglingon niya sa mga taong tumulong sa kanya noon. Hindi niya kinalilimutan ang mga ito. Ang lahat ng kanyang pinagkakautangan ng loob ay laging nasa kanyang puso. Hanggang ngayon, matulungin pa rin si Kuya Germs sa kanyang kapwa isang pagpapakita ng kabutihan na siya man ay galing din sa ibaba. Subalit nakapagtatakang sa kabila na gumagawa siya ng kabutihan, marami pa rin ang nagnanais na siya ay ibagsak. Maraming mga detractors na gusto siyang hilahin pababa. Pero hindi nila maibagsak si Kuya Germs. Isang patunay ito ng kasabihang "You cannot put a good man down."
Happy birthday Kuya Germs. Hangad ko ang tagumpay mo sa mga larangang iyong pinasukan.
Inaanyayahan naman ni Bernie Niguidula na magbi-birthday bukas (October 1) ang lahat ng aming kaklase para sa isang salu-salo sa kanyang bahay sa 46 Kingsville, White Plains, Quezon City ngayong araw na ito dakong alas-6:30 ng gabi.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest