Terorismo sa Pilipino at Amerikano
September 30, 2001 | 12:00am
Importante sa Amerika ang magkaroon ng giyera sa Middle East. Pagkatapos ng World War II, ito na marahil ang pinakadelikadong giyerang kanilang papasukin. Ang nagpapalakas sa Amerika ay hindi ang military at hindi rin ang ekonomiya, kundi ang mamamayang galing sa maraming bansa na may ibat ibang kultura, kulay at relihiyon, na pinagsama-sama sa isang bansang demokratiko. Ang mamamayang Amerikano ang nag-utos sa awtoridad na lusubin ang terorista. Kayat walang ibang direksiyon na dapat tahakin ang kanilang gobyerno, kundi giyera laban dito.
Makikita natin ang determinasyong ito nang aprubahan ng kanilang Kongreso ang $40 bilyon emergency package upang pondohan ang military forces. Dinoble ang pondong kahilingan ng kanilang Presidente. Ibig sabihin nito, ang Land of the Free na may demokratikong proseso, na mapayapang namumuhay ay lalahok na sa giyera upang protektahan ang kanilang pinuhunang kapayapaan.
Kahit sa anong anggulo, pag-aralan, ang Amerika na may diplomasyang pamamaraan ng pagresolba sa problema, ay pinepersonal na rin ang laban dahil sila ay patraydor na tinira ng mga terorista. At sa galit, pati ang mga bansang nagkukupkop sa mga terorista ay idadamay na rin nila sa giyera.
Sa Pilipinas naman, mayroon din tayong sariling giyera laban sa teroristang Abu Sayyaf. Mayroong kidnapping, massacre, pagpatay sa mga pari at madre. Kung ginagawa ito ng Amerika upang ipakita sa buong mundo na hindi sila maaaring hiyain, traidurin, bastusin, o guluhin, gawin din natin ito sa mga nanggugulo sa atin. At kung kailangan natin ang tulong ng Amerika para magawa ito, kunin na natin. Ang labang ito ay laban sa terorismo, Pilipino man o Amerikano.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended