Marami ang nagpapakabuti dahil sa giyera
September 29, 2001 | 12:00am
Maraming tao ang ninenerbiyos dahil nangangamba silang magkakaroon ng giyera. May mga balita pa ngang ang susunod na giyera ay katapusan na ng mundo sapagkat hindi na mga baril at bomba ang ipanlalaban kundi mga modernong kemikal na pati bakal ay matutunaw kapag tinamaan.
Hindi ba kayo tatablan ng nerbiyos kung ito ang nababalitaan ninyo? Pero hindi malayong ganito nga ang mangyayari. Alam naman natin kung gaano ka-advance ang teknolohiya ngayon. Kaya hindi malayong magkatotoo ang kinatatakutan ng mga tao ngayon lalo na at kaliwat kanan ang paglabas ng mga ibat ibang klaseng manghuhula. Ginagaya nila si Nostradamus.
Dahil na rin sa takot na baka magkatotoo nga ang mga hulang nababalita, natututo na ang mga Pilipino na magdasal ng taimtim ngayon. Kapansin-pansin na mas marami na ngayon ang nagsisimba at nagnonobena. Marami na ring mga misis ang natutuwa ngayon sapagkat maaga nang umuwi ang kanilang mga mister. Ang mga KTV bars naman ay nagrereklamo sapagkat kakaunti na ngayon ang kanilang nagiging mga customers.
Natatandaan ko pa na halos ganito rin ang nangyari nang unang lumabas ang AIDS. Maraming kalalakihan din ang natakot noon kung kayat marami ang naluging mga beerhouses at mga nightclubs sapagkat hindi na nagde-detour ang mga ama kundi dumideretso na sa kanilang mga mahal sa buhay.
Mabuti naman at mayroon ding kabutihang masasabi na naidudulot ng ginawang kabuktutan ng mga terorista. Ang takot na magkakagulo sa buong daigdig ang sumasakmal sa isipan ng lahat. Marami ang nagsisiguro na hindi sila makasalanan kapag dumating ang kaguluhan. Mabuti na nga namang malinis sila. Kapag minalas, magtatagpo sila ni Osama bin Laden sa impiyerno.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended