Bakit napili ninyo ang ala-una y medya ng hapon? tanong ko kay Aling Rosing.
Nakagawian na namin na magkita-kita sa takdang oras. Isa pa, panahon ito ng pagpapalitan ng balita at kuru-kuro.
Nang hapon iyon, ang kasama kong nurse ang nagsalita.
Nang matapos magsalita ang nurse, tinanong ko si Aling Rosing. Kumusta ang tinalakay ng nurse?
Magaling po, Doktor. Nakita naman ninyo ang tunog ng aking palakpak."
Bakit nyo nasabi iyan?
Kasi po wala akong naintindihan," sagot ni Aling Rosing na hindi nakangiti.
Binibiro nyo naman ako. Sabi nyo mahusay tapos iyon palay hindi ninyo naintindihan ang paliwanag, sagot kong nakangiti para ipaalam na hindi ako nasaktan.
Naku, Doktor, huwag po kayong magagalit. Hindi ako nanloloko. Kasi po ay grade two lang ang inabot ko. Hindi ako marunong bumasa at sumulat. Pero ang nagpaliwanag ay tapos ng nursing. Maganda ang kanyang sinabi kaya lamang hindi ko naintindihan."
Noon ko nalaman ang isang bagay. Pag pumalakpak ang mga nakikinig, hindi nangangahulugan na naintindihan nila ang nagsalita. Ganoon kakumbaba ang mga taga-nayon.