^

PSN Opinyon

Lugar at oras

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Ang lugar at oras ng pagmi-meeting sa nayon ay importante para ito maging matagumpay. Ala-una y medya ng hapon kadalasang nagmi-meeting. Magandang oras kasi ito para sa mga kababaihan. Karaniwan ay nakakain na ang pamilya at nahugasan na ang plato. Natutulog na ang mga bata at maaari nang magpahinga.

‘‘Bakit napili ninyo ang ala-una y medya ng hapon?’’ tanong ko kay Aling Rosing.

‘‘Nakagawian na namin na magkita-kita sa takdang oras. Isa pa, panahon ito ng pagpapalitan ng balita at kuru-kuro.

Nang hapon iyon, ang kasama kong nurse ang nagsalita.

Nang matapos magsalita ang nurse, tinanong ko si Aling Rosing. ‘‘Kumusta ang tinalakay ng nurse?’’

‘‘Magaling po, Doktor. Nakita naman ninyo ang tunog ng aking palakpak."

‘‘Bakit n’yo nasabi iyan?

‘‘Kasi po wala akong naintindihan," sagot ni Aling Rosing na hindi nakangiti.

‘‘Binibiro n’yo naman ako. Sabi n’yo mahusay tapos iyon pala’y hindi ninyo naintindihan ang paliwanag,’’ sagot kong nakangiti para ipaalam na hindi ako nasaktan.

‘‘Naku, Doktor, huwag po kayong magagalit. Hindi ako nanloloko. Kasi po ay grade two lang ang inabot ko. Hindi ako marunong bumasa at sumulat. Pero ang nagpaliwanag ay tapos ng nursing. Maganda ang kanyang sinabi kaya lamang hindi ko naintindihan."

Noon ko nalaman ang isang bagay. Pag pumalakpak ang mga nakikinig, hindi nangangahulugan na naintindihan nila ang nagsalita. Ganoon kakumbaba ang mga taga-nayon.

ALING ROSING

BAKIT

BINIBIRO

DOKTOR

GANOON

ISA

KARANIWAN

KASI

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with