Maingat ang Amerika sa mga deklarasyon upang hindi maituring na religious war ang sitwasyon. Halos ganito rin ang nangyari sa Pilipinas noong nagdeklara ang gobyerno ng giyera laban sa Abu Sayyaf. Ang interpretasyon ng marami sa hakbanging ito ay isang paglaban daw sa Muslim. Kailangang ipagdiinan na ang inuusig ng Amerika ay ang mga terorista. Hindi ito usapin ng relihiyon kundi usapin ng hustisya. Sa ganitong paraan din nila mapapanatili ang loyalty ng bansang Pakistan, Iran at Saudi Arabia.
Ang pinakamahirap na laban ng Amerika ay ang paglikom ng mga bata ni Bin Laden na nakakalat na rin sa ibat ibang parte ng mundo. Dahil terorismo ang kalaban, ito ay patraidor umatake at mga inosente ang biktima. Sa ganitong sitwasyon, kailangan ang mapagmatyag at tulong ng buong komunidad ng mga bansang kaalyansa ng Amerika upang masugpo ang mga terorista sa kani-kanilang lugar.