Ipinagpapatuloy na muli ng Senado ang hearing tungkol sa mga paratang kay Sen. Panfilo Lacson. Nakasalang na naman si Mary "Rosebud" Ong at inaasahan na magbibigay na naman siya ng testimonya na magdidiin kay Lacson, Supt. Reynaldo Acop at iba pang mga kasamahan nila. Ang mga ito naman ay nakatakda ring maghain ng kanilang testimonya at mga bagong dokumento.
May terorismo ring nagaganap sa Comelec sa pamamagitan ng kanya-kanyang paratang at alegasyon ng graft and corruption sa isat isa. Matagal nang naglalabu-labo ang mga Commissioners ng Comelec na nagpapabagsak ng kredibilidad nito.
Nananaig pa rin ang kawalanghiyaan ng mga Abu Sayyaf. Di ba napakataas na uri ng terorismo ang pinalalaganap ng mga hinayupak na ito? Dapat lamang na isama na talaga ang mga ito sa listahan ng mga dudurugin ng Amerika. Kasinsama ni Bin Laden ang mga ito. Alam kong marami pa kayong isasama sa listahan ng sari-saring terorismong nangyayari sa Pilipinas. Maaari ninyong isulat sa akin ang mga ito upang malaman naman ng iba nating kababayan.