^

PSN Opinyon

Iba't ibang klase ng terorismo ang nasa ating bansa

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Iwanan muna natin ang tungkol sa kaguluhang kinasasangkutan ni Osama Bin Laden at bumalik tayo sa iba’t ibang klase ng terorismo na nananaig sa Pilipinas. Hindi ba terorismo rin ang drug-trafficking, money laundeering, kidnapping-for-ransom, graft and corruption at iba pang uri ng kriminalidad? Mapanganib ang mga ito na maipapantay sa mga gawain ni Bin Laden.

Ipinagpapatuloy na muli ng Senado ang hearing tungkol sa mga paratang kay Sen. Panfilo Lacson. Nakasalang na naman si Mary "Rosebud" Ong at inaasahan na magbibigay na naman siya ng testimonya na magdidiin kay Lacson, Supt. Reynaldo Acop at iba pang mga kasamahan nila. Ang mga ito naman ay nakatakda ring maghain ng kanilang testimonya at mga bagong dokumento.

May terorismo ring nagaganap sa Comelec sa pamamagitan ng kanya-kanyang paratang at alegasyon ng graft and corruption sa isa’t isa. Matagal nang naglalabu-labo ang mga Commissioners ng Comelec na nagpapabagsak ng kredibilidad nito.

Nananaig pa rin ang kawalanghiyaan ng mga Abu Sayyaf. Di ba napakataas na uri ng terorismo ang pinalalaganap ng mga hinayupak na ito? Dapat lamang na isama na talaga ang mga ito sa listahan ng mga dudurugin ng Amerika. Kasinsama ni Bin Laden ang mga ito. Alam kong marami pa kayong isasama sa listahan ng sari-saring terorismong nangyayari sa Pilipinas. Maaari ninyong isulat sa akin ang mga ito upang malaman naman ng iba nating kababayan.

ABU SAYYAF

ALAM

AMERIKA

BIN LADEN

COMELEC

OSAMA BIN LADEN

PANFILO LACSON

PILIPINAS

REYNALDO ACOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with