^

PSN Opinyon

Kaso ng tinanggal na security checker

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Nagtatrabaho si Renato sa isang malaking department store bilang security checker. Masipag siya sa kanyang trabaho. Wala siyang nalabag na patakaran. Ngunit noong Sept. 11, 1991, sinabihan siya at ang 50 pang kasamahan niya sa security department na simula October 1991 papalitan na sila ng isang security agency upang makabawas ang department store sa malaking gastos. Inalok sina Renato na maaari na sila agad tumigil sa trabaho at babayaran pa sila ng isang buwang suweldo, sa halip na bigyan sila ng 30 araw na sulat abiso. Bibigyan din sila ng separation pay na isang buwan bawat taong serbisyo at 13th month pay.

Lahat ng kasama ni Renato ay tinanggap ang alok at hindi na pumasok. Kinuha nila ang suweldo, separation pay at 13th month pay. Binalewala naman ni Renato ang alok at nagpatuloy siya sa trabaho. Dahil dito, sinulatan ng kompanya si Renato noong October 11, 1991 at inulit ang abisong ibinigay sa kanila. Kaya mula noon hindi na siya nakapasok sa trabaho.

Nagsampa ng reklamo si Renato. Sabi niya hindi legal ang ginawa ng kompanya na pagtatanggal sa kanya. Dapat daw binigyan siya ng isang buwang sulat abiso kung saan nakasaad ng malinaw ang dahilan ng pagtatanggal para mabigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag at para malaman kung may katwiran nga ang pagtatanggal. Ang pagbibigay daw ng isang buwang suweldo sa halip ng 30 araw na abiso ay hindi sapat. Sabi naman ng kompanya, mas makabubuti pa raw nga sa mga empleyado ang isang buwang suweldo imbes 30 araw na abiso sapagkat may pagkakataon pa silang maghanap ng trabaho. Tama ba ang kompanya?

Mali
. Ang hinihiling ng batas ay 30 araw na sulat abiso kung saan nakasaad ang dahilan ng pagtatanggal. Ito’y hindi mapapalitan ng pagbibigay ng isang buwang suweldo. Ang pagbabayad ng isang buwang suweldo ay hindi nakatutugon sa mga damdamin ng isang empleyadong biglang mawawalan ng trabaho lalo pa’t hindi rin naabisuhan ang Department of Labor and Employment. Kinakailangan ang 30 araw na sulat abiso upang mabigyan ang empleyado ng pagkakataong makapaghanda at upang malaman ng Labor kung may katwiran nga ang kompanya sa pagtatanggal. Hindi ito magagampanan sa pamamagitan lang ng pagbabayad ng isang buwang suweldo sa halip na 30 araw na abiso. Kaya dapat bayaran ang suweldo ni Renato mula noong October 11, 1991 kung kailan siya hindi na pinapasok hanggang magkaroon ng desisyong nagpapatunay na legal ang dahilan ng pagkakatanggal sa kanya. (Serrano vs. NLRC et. al., G.R. No. 117040 May 4, 2000)

vuukle comment

ABISO

BUWANG

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ISANG

KAYA

RENATO

SABI

SIYA

SUWELDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with