^

PSN Opinyon

Misyon ng 12 alagad

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Si Jesus ay naparito na may misyon: Ang ilunsad ang paghahari ng Diyos. Subalit sa pagsasakatuparan ng misyong ito, hiningi niya ang tulong ng 12 alagad. Tuwiran niyang ibinigay sa kanila ang awtoridad at kapangyarihan na isaganap ang paghahari ng Diyos. Ito ang kanilang magiging misyon.

Isinalaysay sa atin ni Lukas ang pagsugong ito (Lk. 9:1-6).

"Tinawag ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kakayahan at kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling ng mga karamdaman. At sinugo niya sila upang ipahayag ang paghahari ng Diyos at magpagaling ng mga maysakit. Sila’y pinagbilinan niya: ‘‘Huwag kayong magbaon ng anuman para sa inyong paglalakbay — kahit tungkod, supot, tinapay, salapi o bihisan. Makituloy kayo sa alinmang bahay na tumanggap sa inyo, at manatili roon hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon. At sakaling hindi kayo tanggapin, umalis kayo roon, at ipagpag ninyo ang alikabok ng inyong mga paa bilang babala sa kanila.’ Kaya’t humayo ang mga alagad at naglakbay sa mga nayon, na ipinangangaral ang Mabuting Balita at nagpapagaling ng mga maysakit sa lahat ng dako."


Ang misyon ng mga alagad ay may tatlong bahagi. Kailangang ipahayag nila ang paghahari ng Diyos. Kailangang magpalayas sila ng mga demonyo. At kailangang magpagaling sila ng mga maysakit. Ang pagtanggap sa paghahari ng Diyos ay magbubunga sa mga puso ng mga tao ng pagmamahal sa Diyos, at pagmamahal at paglilingkod sa kapwa-tao.

Sila’y nabigyan ng kapangyarihang magpalayas ng demonyo. Napapalaya ang mga tao. Hindi na sila nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasamaan. Yaong mga maysakit ay mapapagaling. Lahat ng ito ay ang pagtatatag ng paghahari ng Diyos o kaharian ng Diyos.

Ang mga alagad ay tinagubilinan na maging simple sa kanilang pananamit. Pinagsabihan sila na sumalalay sa kabutihang-loob ng Diyos. Ibibigay sa kanila ng Diyos ang lahat ng kanilang kailangan, habang kanilang itinataguyod ang paghahari ng Diyos.

DIYOS

HUWAG

IBIBIGAY

ISINALAYSAY

KAILANGANG

MABUTING BALITA

PAGHAHARI

SI JESUS

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with