Labanan ng mga Afghans

Marami ang nangangamba na baka magkaroon ng World War III dahil sa ginawang pag-atake sa World Trade Center at Pentagon. Malakas ang paniniwala ng Amerikano na si Osama bin Laden ang utak ng pag-atake. Kinukupkop ng Afghanistan si Bin Laden sa ilalim ng Taliban government.

Sa mga hindi pa nakaaalam, si Bin Laden ay naging tanyag dahil na rin sa mga Amerikano. Ang Afghanistan ay tinulungan ng Amerika nang giyerahin ng Russia noon.

Ngayon ay naiipit ang Afghanistan. Hindi nito malaman kung si Bin Laden ang kakampihan o ang Amerika. Si Bin Laden ay may malapit na relasyon sa pinakamataas na religious leader ng Afghanistan.

Nahahati ngayon ang Afghanistan. Ang kalahati ay kumakalong kay Bin Laden samantalang sinusuportahan naman ng Amerika ang kalahati. Kaya ang nangyayari ngayon: Afghanistan laban sa Afghanistan.

Maraming nangangamba na ang nagaganap sa Afghanistan ay baka maging simula ng religious war. May mga grupong pilit na pinag-aapoy ang isyung ito ngunit maagap naman ang mga kaalyado ng Amerika na mailayo sa relihiyon ang dahilan. Ito ang dahilan kaya determinado ang mga Amerikano na mahuli ang mga terorista.

Show comments