^

PSN Opinyon

Hati-hating pananagutan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Siyam na empleyado na pinangungunahan nina Diego at Gina ang nagsampa ng reklamo sa Department of Labor upang bayaran ang kanilang separation pay at suweldong hindi nabayaran. Idinemanda nila ang dalawang korporasyon (FCM at IMD), pati na sina Mr. Geronimo, Ms. Santos, Mr. Gan at Mr. Chua na mga may-ari nito.

Matapos ang tatlong taong paglilitis, iginawad ng Labor ang kahilingan nina Diego at Gina at pinagbayad ang anim na inihabla ng P138,588.31.

Hindi umapila ang anim na inihabla kaya naging pinal ang desisyon. Nang ipinatutupad ito ng sheriff, tatlo lang sa inihabla ang kanyang tinukoy: Ang FCM at/o kaya ang IMD at/o kaya si Mr. Geronimo. Siningil muna ang IMD sa kabuuan ng P138,000. Tumanggi ang IMD. Sabi nito, ayon sa desisyon, ang pananagutan daw nilang anim na inihabla ay hati-hati at hindi isahan kaya ang dapat nilang bayaran ay P23,198.05 lang o 1/6 ng buong halaga. Tama ba ang IMD?

Tama.
Sa isahang pananagutan ang bawat inihabla ay mananagot sa buong pagkakautang. Sa hating pananagutan, ang bawa’t inihabla ay mananagot lang sa kanyang parte. May isahang (solidary) pananagutan lamang kung ito’y tiyak at malinaw na nakasaad sa desisyon, o kung ito’y ipinag-uutos ng batas o kung ito’y likas sa obligasyon. Sa kasong ito, hindi naman sinabi ng desisyon na ang pananagutan ay isahan. Kaya ang buong halaga ng desisyon ay hindi maaaring ipabayad sa isa lang sa inihabla. Lahat ng inihabla ay dapat maghati-hati. (Industrial Management Development Corporation vs. NLRC et. al. G.R. No. 101773 May 11, 2000).

DEPARTMENT OF LABOR

GINA

IDINEMANDA

INDUSTRIAL MANAGEMENT DEVELOPMENT CORPORATION

INIHABLA

MR. CHUA

MR. GAN

MR. GERONIMO

MS. SANTOS

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with