^

PSN Opinyon

Medium-rise housing program

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Habang mainit ang isyu sa pagsalakay ng Amerika sa Afghanistan upang hulihin si Osama bin Laden at wala pang nangyayari sa imbestigasyon kay Sen. Ping Lacson, Gang of 5, sabwatang militar at Abu Sayyaf, tumungo muna tayo sa mga proyekto ng kasalukuyang administrasyon partikular sa mga proyektong pabahay.

Noong nakaraang linggo binuksan at inilunsad ng Housing and Urban Development Coordination Council (HUDCC) at National Housing Authority (NHA) ang isang exhibit tungkol sa Medium-Rise Housing Program, na may temang ‘‘Building Homes, Building Lives.’’ Ang naturang exhibit ay pinapakita ang mga tapos nang proyekto at ang mga kasalukuyang Mass Housing Projects, ito’y nakapokus sa Medium-Rise Housing program na inilunsad at kasalukuyang inilulunsad sa buong kamaynilaan na isinusulong ng pamahalaan sa pakikipagtulungan ng mga pribadong developer.

Ang programang ito ay nakatutok sa paggawa ng mga pabahay sa mataong lugar dito sa Metro Manila. Sa kasalukuyan mayroon nang 15 Medium Rise-Housing ang natapos. Narito ang listahan ng mga natapos na proyekto. 1.) Bagong Barangay Housing Project or Project 5, Pandacan Manila; 2.) Del Pan Tenement or Tondo Forshore, Tondo, Manila; 3.) Philippine North Avenue Apartment, North Avenue Subd. Q.C.; 4.) Ang Bagong Lipunan Condominium, Taguig, Metro Manila; 5.) Ang Bagong Lipunan Condominium, Pag-asa, Road, 3, Q.C.; 6.) Teacher Bliss Condominium I, MIA-Pasay City; 7.) Teachers Bliss Condominium II, Balintawak, Q.C.; 8.) Hulo Silva Medium-Rise Housing, Mandaluyong, Metro Manila; 9.) Vitas Medium-Rise House, Tondo, Manila; 10.) Domus Mariae Medium-Rise Housing, Malate, Manila; 11.) Maharlika Condominuim I, Upper Bicutan, Taguig Metro Manila; 12.) Malaria 1 MRH Project, Caloocan City, M.M.; 13.) Malaria 2 MRH Project, Malaria, Caloocan City, M.M.; 14.) Malaria 3 MRH Project, Malaria, Caloocan City, M.M.; 15.) Mandaluyong Site 1 MRH Project, Mandaluyong City, M.M.

ABU SAYYAF

ANG BAGONG LIPUNAN CONDOMINIUM

BAGONG BARANGAY HOUSING PROJECT

BUILDING HOMES

BUILDING LIVES

CALOOCAN CITY

DEL PAN TENEMENT

HOUSING

MANILA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with