^

PSN Opinyon

Dysmenorrhea, amenorrhea at menorrhagia

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
Ang dysmenorrhea ay ang painful periods kapag may menstruation. Amenorrhea naman ang tawag kapag tumitigil ang monthly period samantalang menorrhagia ang tawag kapag mayroong heavy menstrual period.

Ang dysmenorrhea ay kadalasang umaapekto sa mga kabataan at nawawala lamang ang sintomas kapag nakapanganak sa kanilang panganay o gumamit sila ng pill. May mga ebidensiyang nagpapatunay na ang pag-take ng Vitamin B6 ay nakaka-relieve ng symptoms. Ang pag-take rin ng Vitamin C and E ay nakatutulong (bagamat hindi pa lubos na napatotohanan) sapagkat pinare-relax ang walls ng mga blood vessels para mabawasan ang cramping sensation.

Ang pagkakaroon ng amenorrhea ay maraming dahilan. Maaaring dahil sa thyroid problems, obesity at diabetes. Ang labis na pag-eehersisyo, pagkawala ng timbang, problema sa emotion at labis na pag-iisip ay maaaring maging dahilan kung bakit tumitigil ang regla. Ito ay karaniwang kondisyon na kung tawagin ay anorexia nervosa na kadalasang problema ng mga babaing atleta partikular ang mga gymnasts at mga long distance runners. Ang madalas na pagpapalit ng contraceptive pills ay maaari ring makaapekto sa menstrual cycle.

Ang menorrhagia ay maaaring sumapit sa kababaihan kapag siya ay nag-uumpisang magregla o kapag malapit na siyang mag-menopause. Karaniwan itong nangyayari sa mga gumagamit ng Intra-Uterine Device (IUD). Maraming dahilan din kung bakit nagkaka-menorrhagia. Kabilang dito ang hormone imbalance o fibroids. Kapag may heavy periods, nawawalan nang mas maraming dugo at maaaring ma-develop ang anemia. Kahit na ang babae ay may menorrhagia at hindi naman anemic, nangangailangan pa rin siyang kumain ng mga pagkaing mayaman sa iron gaya ng atay, karne (red meat), tinapay, maberdeng gulay at dried fruits. Kumain din ng mga sariwang prutas at uminom ng mga fruit juices.

Kung kinakailangan, laging kumunsulta sa doktor o Ob-Gyne specialist para mabigyan kayo ng advice at tulong.

INTRA-UTERINE DEVICE

KABILANG

KAHIT

KAPAG

KARANIWAN

KUMAIN

MAAARING

VITAMIN C AND E

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with