^

PSN Opinyon

Government officials bawal magsugal sa casino

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Ang kasalukuyang administration ay patuloy pa ang programa at pangangampanya na pataasin ang moralidad ng mga opisyales at empleyado ng gobyerno. Dahil dito nagpalabas pa si President Gloria Macapagal-Arroyo ng isang direktiba noong Martes na pinagbabawalan na ang mga opisyales at empleyado ng gobyerno na tumambay, pumasok at magsugal sa mga casino sa buong bansa.

Ang mga pinagbabawalang magsugal ay mga opisyales at empleyado na direktang nangangasiwa sa lahat ng opisina ng gobyerno. Kasali rin ang mga opisyales ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), ang mamamayan na wala pang 21 anyos at mga estudyante. Ang mga pinapayagan lamang ay ang mga dayuhang turista at local na residente na may taunang kita na P50,000. Kaya’t pinapaalahanan ni GMA ang lahat ng opisyales at empleyado ng gobyerno na sino mang lalabag nito ay papatawan ng kaukulang parusa.

Ang programang ito ni GMA ay naaayon sa patuloy na paglilinis ng gobyerno para maiwasan ang graft and corruption. Dahil sa pagsusugal ng mga opisyales ng gobyerno noong nakaraang administrasyon nalugmok ang kanilang moralidad na naging dahilan para magnakaw ang ibang opisyales. Ito rin ang naging dahilan para mapatalsik si dating President Estrada.

Batid nating lahat na ang pagsusugal ay immoral at nakakasira sa lipunan at pamilya. Ito ang gustong maiwasan ni GMA, kaya patuloy ang kampanya para maiangat ang moralidad ng mga tao sa gobyerno. Ibig niyang maipakita sa mamamayan na ang mga taong gobyerno ay karapat-dapat at disente upang maging halimbawa sa nakararami.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BATID

DAHIL

GOBYERNO

OPISYALES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT ESTRADA

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with