Sa dami ng testimoniya, at sa lalim ng detalyeng inilahad sa hearing, talagang maraming Pinoy ay kumbinsido na sabit si Lacson. Kung tama si Ador, Rosebud at Corpus, sa tingin ko, habang may nalalabing kahihiyan sa dating pulis, ay mag-resign na lang siya, at harapin ang mga paratang bilang indibidwal at pribadong mamamayan. Ngayon, kung mas makapal pa siya sa Maykapal, gamitin niya ang puwesto niya upang makapagtago.
Sana nga lang ay ituro rin niya ang ibang mga kasangkot nang sa gayon ay malinis na natin ng lubusan ang pamahalaan laban sa mga salot na droga. Sa ilalim ng sindikato, marahil nga ay tatamaan ang kapulisan. Pero siguradong mas marami riyan ang mabubuti at matitino. Kailangan lang tanggalin kaagad ang kanser para hindi makahawa ng iba.
Ano na ngayon ang sunod na mangyayari? Well, sa pagsalpok ng mga eroplano sa World Trade Center (WTC) at Pentagon, ang atensiyon ng buong mundo ay lumipat mula sa kanilang mga local na problema, patungo sa problemang pandaigdig, at ang posibilidad ng ikatlong digmaang pandaigdig. Siguro pag nagkataon, talagang makakalimutan na natin ang hearing ukol kay Lacson. Pero sa ngayon, kailangang bumalik tayo sa isyu ng Pinas at harapin ang problema.