Congressman, protektor ng mga importer ng semento
September 18, 2001 | 12:00am
Alam nyo bang dagsa ang dating ng mga imported na semento sa bansa at nababahala ang local industry?
Ayon sa aking bubuwit, 98 days na lang at Pasko na naman.
Happy birthday muna kay Pareng Joe Taruc, Jojo Cheung ng Radyo Natin; Edgar Cutchon, Rose Lara, Celin Paula Abacan, Lito Parentila ng Bangko Sentral; Mat Bendicio, Boy Abucejo, Emy dela Cruz, Anita Pancho at Rolly Sanchez.
Alam nyo bang nangangamba ngayon ang mga negosyante sa industriya ng semento dahil lalong dumarami ang mga imported na semento sa ating bansa?
Ayon sa aking bubuwit, ang nasabing insidente ay nakarating na sa Department of Trade and Industry (DTI) at maging sa House of Representatives.
Sa DTI ay mukhang walang maaasahan sapagkat super bagal sa pagdedesisyon si Trade Sec. Mar Roxas sa pagkakaloob ng additional tariff for imported cement. Kasing bagal yata ng pagdesisyon kung kailan siya lalagay ng tahimik.
Kung patuloy na tutulug-tulog si Roxas para sa pagbibigay ng safety nets sa local industry ay baka tuluyan nang magsara ang iba pang pabrika ng semento. Kasunod niyan ang pagkawala ng trabaho ng libu-libong manggagawa. Sec. Roxas, kumilos ka naman!
Ayon sa aking bubuwit, ang kontrobersiya tungkol sa paghingi ng proteksiyon ng cement industry sa pamahalaan ay nakarating na rin sa Kongreso at iim- bestigahan na rin ng House Committee on Trade and Industry.
Ang malungkot na parte rito ang Chairman ng Komite ay importer din pala ng semento. May conflict of interest.
Paano iimbestigahan ni Congressman ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya na sangkot din sa importasyon ng semento.
Totoo bang pagmamay-ari ng pamilya ni Congressman ang Peaksun Enterprises & Export Corp. na nag-iimport at nagdi-distribute ng semento sa bansa?
Ano ba yan, Congressman? Ano ito, panibago na namang moro-moro sa Kongreso?
Ayon sa aking bubuwit, ang congressmang sangkot pala ang pamilya sa importasyon ng semento na iimbestigahan ng kanyang komite ay walang iba kundi si
Ito ay isang Tsinoy.
Ito ay si Congressman A.H. as in Ang Hari ng Semento.
Ayon sa aking bubuwit, 98 days na lang at Pasko na naman.
Happy birthday muna kay Pareng Joe Taruc, Jojo Cheung ng Radyo Natin; Edgar Cutchon, Rose Lara, Celin Paula Abacan, Lito Parentila ng Bangko Sentral; Mat Bendicio, Boy Abucejo, Emy dela Cruz, Anita Pancho at Rolly Sanchez.
Alam nyo bang nangangamba ngayon ang mga negosyante sa industriya ng semento dahil lalong dumarami ang mga imported na semento sa ating bansa?
Ayon sa aking bubuwit, ang nasabing insidente ay nakarating na sa Department of Trade and Industry (DTI) at maging sa House of Representatives.
Sa DTI ay mukhang walang maaasahan sapagkat super bagal sa pagdedesisyon si Trade Sec. Mar Roxas sa pagkakaloob ng additional tariff for imported cement. Kasing bagal yata ng pagdesisyon kung kailan siya lalagay ng tahimik.
Kung patuloy na tutulug-tulog si Roxas para sa pagbibigay ng safety nets sa local industry ay baka tuluyan nang magsara ang iba pang pabrika ng semento. Kasunod niyan ang pagkawala ng trabaho ng libu-libong manggagawa. Sec. Roxas, kumilos ka naman!
Ang malungkot na parte rito ang Chairman ng Komite ay importer din pala ng semento. May conflict of interest.
Paano iimbestigahan ni Congressman ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya na sangkot din sa importasyon ng semento.
Totoo bang pagmamay-ari ng pamilya ni Congressman ang Peaksun Enterprises & Export Corp. na nag-iimport at nagdi-distribute ng semento sa bansa?
Ano ba yan, Congressman? Ano ito, panibago na namang moro-moro sa Kongreso?
Ito ay isang Tsinoy.
Ito ay si Congressman A.H. as in Ang Hari ng Semento.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest