Mukha ni Satanas
September 17, 2001 | 12:00am
Tulad ng daan-libong ibang mambabasa, napansin ko rin ang hugis ni Satanas mata, ilong, balbas, sungay sa itim na usok sa Associated Press photo ng nasusunog na World Trade Center. Dangan lang ngay di ko kilalang-personal si Satanas. Naaalala ko lang ang mga drawing sa kanya sa mga librong-Katekismo ng aking kabataan. Magkakaiba pa man din ang haba ng balbas at sungay, tangos ng ilong, lisik ng mata, bondat ng tiyan sa sketches. Kaya di ko tiyak kung ano ang tama.
Gayunpaman, daan-taon nang pinag-aaralan ng scientists ang mga ilusyon ni Satanas at iba pang karakter sa relihiyon o kasaysayan sa usok o ulap, puno o bulaklak. May tawag na nga sila rito: simulacra.
Pinakamalimit maulat ang mukha ni Kristo at hugis ni Birhen Maria sa kung anu-ano. May litrato sa Iraq nung Desert Storm ng mukha ni Kristo sa ulap. Walang pinagkaiba sa litrato sa ulap nung Korean War. Kamakailan, pinagkaguluhan ang paglitaw ng mukha rin ni Kristo sa puno ng acacia sa Pampanga, at sa saha ng saging sa Bulacan. Wala ring pinagkaiba sa mukha ni Kristo sa piraso ng tinapay sa New Mexico, USA.
Sabi ng mga dalubhasa, dala raw lahat ito ng natural forces: tama ng ilaw at anino, hangin, magnetic fields tulad ng gravity at pagkabasa. Pero binibigyan pa rin ng tao ng kahulugang pangitain ng masamang mangyayari. Kaya marami ang napakumpisal nang lumitaw ang hugis ng Birhen at Pamilya Sagrada sa rose petals sa Christ the King Church sa Quezon City nung 1988.
Dagdga pa ng scientists na nakikita lang ng tao ang gusto nitong makita. Ewan ko lang, pero nung bata pa ako, nakita ko sa ulap sa Cavite ang dalawang hari na naglalaro ng chess sa isang board na malaki pa sa palayan sa ilalim. Minsan, nakita ko rin ang Charge of the Light Brigade, maski sobra ang pagkabata ko para i-cover ang Crimean War nung 1853-56. Na-video ko rin sa London ang ulap na korteng helicopter, na naglaho nang umihip ang hangin.
Pero si Satanas sa usok ng nasusunog na WTC kung saan mahigit 4,600 ang patay? Nakakakilabot! Op, sino yang nasa likod mo? Bulaga!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest