Si President Gloria Macapagal-Arroyo ang magtatalumpati sa 2001 Peoples Choice Awards, the grand tribute to Filipino Achievers. Tatanggap ng parangal sina Vice President Teofisto Guingona Jr., Speaker Jose de Venecia, Quezon City Mayor Sonny Belmonte at Justice Secretary Hernando Perez.
Ang Hall of Fame awards ay ipagkakaloob kina Senate Majority Floor leader Loren Legarda-Leviste, Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin, world bowling champion Paeng Nepomuceno, International Journalist TV-film writer-director Willy Schneider at Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.
Ilan pa rin sa mga tatanggap ng tinaguriang The Whos Who in the Philippines Award sina Sen. Helena Benitez, James Dy ng Chinese General Hospital; Amable Aguiluz ng AMA; Dr. Eduardo Go, Dr. Gil Vicente, Elvie, Estuita, Dr. Arturo Estuita, Atty. Jose Ramon Remollo, Ian Vendivel, Rodney Portillo Manuel, Councilor Epifanio de Guzman ng Mandaluyong at Sen. Noli de Castro.
Pararangalan din sina Gary Valenciano, Emma Cordero at Aiza Seguerra.
Ang inyong Mahal ay tumanggap na rin ng naturang parangal. Sa mga awardees taus-puso ko kayong bina bati. Congratulations and more power din kina Justice Regina Benitez, Jonathan N. Navea at ang buong production staff ng Parangal Ng Bayan 2001.