^

PSN Opinyon

Parangal ng Bayan 2001

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Bukas gaganapin ang Parangal ng Bayan na magbibigay ng gawad sa mga mamamayang Pilipino na natatangi sa iba’t ibang larangan tulad ng pamamalakad ng gobyerno, serbisyo publiko, hudikatura, edukasyon, medisina, sining at kultura. Ang parangal ay gaganapin sa Philamlife Theater, UN Avenue, Manila.

Si President Gloria Macapagal-Arroyo ang magtatalumpati sa 2001 People’s Choice Awards, the grand tribute to Filipino Achievers. Tatanggap ng parangal sina Vice President Teofisto Guingona Jr., Speaker Jose de Venecia, Quezon City Mayor Sonny Belmonte at Justice Secretary Hernando Perez.

Ang ‘‘Hall of Fame’’ awards ay ipagkakaloob kina Senate Majority Floor leader Loren Legarda-Leviste, Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin, world bowling champion Paeng Nepomuceno, International Journalist TV-film writer-director Willy Schneider at Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.

Ilan pa rin sa mga tatanggap ng tinaguriang ‘‘The Who’s Who in the Philippines Award’’ sina Sen. Helena Benitez, James Dy ng Chinese General Hospital; Amable Aguiluz ng AMA; Dr. Eduardo Go, Dr. Gil Vicente, Elvie, Estuita, Dr. Arturo Estuita, Atty. Jose Ramon Remollo, Ian Vendivel, Rodney Portillo Manuel, Councilor Epifanio de Guzman ng Mandaluyong at Sen. Noli de Castro.

Pararangalan din sina Gary Valenciano, Emma Cordero at Aiza Seguerra.

Ang inyong ‘‘Mahal’’ ay tumanggap na rin ng naturang parangal. Sa mga awardees taus-puso ko kayong bina bati. Congratulations and more power din kina Justice Regina Benitez, Jonathan N. Navea at ang buong production staff ng Parangal Ng Bayan 2001.

AIZA SEGUERRA

AMABLE AGUILUZ

CAMARINES SUR VICE GOVERNOR IMELDA PAPIN

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CHOICE AWARDS

COUNCILOR EPIFANIO

DR. ARTURO ESTUITA

DR. EDUARDO GO

DR. GIL VICENTE

EMMA CORDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with