Ally o alalay?
September 15, 2001 | 12:00am
Sa tuwing mahaharap sa krisis si big white brother, laging sumusulpot ang katanungang: magsusugo na naman ba ng sundalo ang Pilipinas para tumulong labanan ang mga kaaway niya?
Nang mapasabak sa Iraq ang Amerika, nagpadala tayo ng contingent bilang suporta sa pakikihamok ng naturang bansa.
Ganyan daw talaga ang mga bansang kaalyado ni "Superpower". At kung tutukoy tayo ng bansang pinakadakilang "Ally" ng Amerika, marahil tayo na iyon.
Hindi lang tayo ally kundi dakilang alalay.
Kahit dumarami ang bilang ng mga anti-Americans, marami pa ring Pinoy ang tumitingala sa US bilang bansang paraiso na magsasakatuparan ng kanilang matatayog na pangarap. Katunayan, dalawang anak ko ang naroroon upang habulin ang "ginto sa dulo ng bahaghari."
Hindi lamang tayong mga Pinoy ang dumi-diyos sa US kundi pati na yaong mga nasyonalidad ng mga naghihikahos na bansa na handang sunggaban ang ano mang uri ng trabaho no matter how menial, just to earn the so-called greenback.
Bagaman at tapos na ang RP-US Military Bases Agreement at ang mga dating base ng US sa bansa ay nasa atin nang pangangasiwa, may baraha pa rin ang US para hindi matapos ang ating pagsuporta rito: Ang Mutual Defense Agreement (MDA).
Ayon kay Vice President at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona, kung magsasahol ang krisis sa Amerika, obligado tayong tumulong o magpadala ng puwersa.
Kahit hindi pa nga natutukoy ang dapat managot sa bombing ng World Trade Center sa New York, inihahanda na umano ng US ang plano sa pagganti. At sa planong ito, tiyak, kasama ang Pilipinas.
Hindi ako anti-American ngunit hindi rin naman ako yung tipong mangangayupapa sa paghimod sa talampakan ni Uncle Sam.
Pero isang realidad na ang Amerika ay isang super power sa ekonomiya at sa lakas militar. At matapos magtagumpay ang mga terorista na buwagin ang itinuturing na sentro ng kabuhayan ng Amerika, malaki ang yuping nilikha nito sa naturang bansa.
Dahil sa matayog na kalagayan ng Amerika, marami itong kaaway. At nito ngang nakalipas na ilang araw ay nagluluksa ang naturang bansa, kasama na ang mga kaalyado nito dahil sa pagguho ng World Trade Center na sinalpok ng dalawang eroplanong puwersahang inagaw ng mga terorista.
Tiyak kong pati mga lokal nating terorista tulad ng Abu Sayyaf ay pumapalakpak pati teynga.
Hindi lamang dahil nagtagumpay ang mga kaalyado nilang umatake sa US kamakailan kundi dahil mababawasan ang mga kawal na tutugis sa kanila (kung ang ibay itatalaga ng pamahalaan sa digmaang idedeklara ng Amerika).
Pero sa totoo lang, talagang ang nangyaring trahedya sa Amerika ay malaki ang impact sa buong daigdig.
It may really spell another big war.
Manalangin tayong huwag mangyari ito dahil kung magaganap ang kinatatakutan natin, hindi lamang tayo ang madadamay kundi lahat ng bansa sa daigdig.
Now is the time for us to turn to the only one who can resolve the problem: God.
Ang nangyari sa US ay panggising. Na ang bansang itoy hindi diyos. Malakas nga at makapangyarihan ito pero itoy dahil lamang sa buhay na Diyos na pumapatnubay dito.
Ngunit kung nanaisin ng Diyos, walang magagawa ang US kung itoy kanyang bubuwagin sa isang iglap.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended