^

PSN Opinyon

Si Gen. Villanueva ang nagkamali, me angal?

- Danny Macabuhay -
Mahabang panahon na rin ang nagugugol sa imbestigasyon sa diumano’y sabwatan ng ilang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Abu Sayyaf. Mukhang nahihirapan ang grupo ni Fr. Cirilo Nacorda na mapatunayang nabayaran ang ilang mga heneral at opisyal upang mapabayaang makatakas ang mga bandido sa Lamitan.

Matagal nang pinaglalaban ng pari na tumanggap ng pera mula sa mga bandido ang mga opisyal ng military. Pilit na idinidikdik ni Fr. Nacorda na wala siyang pag-aalinlangan at mayroon din siyang mga kasamahang magpapatotoo na nadakip na sana ang mga bandido noong June 2 kung hindi lamang pinalusot ng military sa pangunguna ni Gen. Dominguez.

Sumailalim na ito sa hearing na isinagawa ng House Committee on National Defense sa pamumuno ni Rep. Prospero Pichay. Pati si AFP Chief of Staff Diomedio Villanueva ay ilang ulit nang dumalo sa mga pandinig. Mayroon nga bang sabwatan o lagayang naganap?

Subalit may sumabog na balita nitong nakaraang araw. Wala raw sabwatang naganap. Walang suhulan. Hindi totoong may mga miyembro ng military na tumanggap ng pera mula sa mga Abu o kahit kanino man. Ang may kasalanan diumano kaya nakatakas ang Abu Sayyaf sa mga sundalo ay walang iba kundi si AFP Chief of Staff Diomedio Villanueva.

Ayon sa report ng AFP Inspector General kaya raw nakatakas ang mga bandido noong araw na ’yun ay dahil mali ang order na ibinigay ni Villanueva sa mga sundalo. At hindi raw maaring sisihin si Villanueva sa pagkakamaling ito. Aba, lintik! Mukhang nakakaamoy ako ng palusot dito. Ano bang senaryo ang gusto nilang palabasin dito? Tapusin na ang lahat ng imbestigasyon dito sapagkat walang sinumang nagkasala. Ang Chief of staff ng AFP ang nagkamali at hindi siya maaaring sisihin. Tapos na ang lahat, okey? Bayan, kayo na ang humusga.

ABU SAYYAF

ANG CHIEF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF OF STAFF DIOMEDIO VILLANUEVA

CIRILO NACORDA

HOUSE COMMITTEE

INSPECTOR GENERAL

MUKHANG

NATIONAL DEFENSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with