EL! EL!
September 10, 2001 | 12:00am
Nitong mga nagdaang araw tumitindi ang kampanya ng mga mamamayan sa pagsulong ng agarang pagbibitiw at pagpapatalsik kay Sen. Panfilo Lacson. Maraming sektor ng lipunan ang naniniwala na wala na siyang karapatang manatili bilang senador. Wala na siyang moral na maging lider. Kaya inilunsad ang kilusang Expel Lacson (EL) at Resign Lacson (RL). Ang mga tao sa likod ng kilusang ito ay ang mga mamamayang nagpatalsik kay dating President Erap Estrada.
Ang kampanyang ito ay suportado rin ng mga retiradong heneral at sundalo na kasapi sa Federation of Retired Commissioned and Enlisted Soldiers (FORCES). Karamihan sa kanila ay mga nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) kung saan doon din nagtapos si Lacson. Pero sabi ni Lacson hindi raw siya magbibitiw bilang senator dahil hinalal siya ng bayan at wala namang matinding ebidensiya laban sa kanya. Hindi bat ito rin ang sinabi in Erap noong impeachment?
Noong nakaraang Miyerkules may binasa si Lacson na report na nagsasabing ang mga alegasyon ni Mary Ong alyas Rosebud ay half truth-half lies kaya hindi dapat paniwalaan. Ang ginawang ito ni Lacson ay isang desperadong hakbang upang linisin ang kanyang pangalan at iligaw ang taumbayan sa tunay na isyu.
Pinarangalan ng grupong GABRIELA at URDUJA si Rosebud bilang Women of Courage dahil sa tapang nito upang isawalat at maging testigo laban kay Lacson. Napabilang na si Rosebud sa hanay nina Emma Lim, Marichu Itchon at Clarissa Ocampo na nabigyan din ng parangal bilang Women of Courage. Kaya marapat lamang na ipagdasal natin si Rosebud na maging ligtas siya at kanyang pamilya. Mabuhay ka Rosebud!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest