^

PSN Opinyon

Paano naging albularyo si Ka Berong

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
Ibig kong malaman kung paano naging albularyo si Ka Berong kaya tinanong ko siya.

"Nagkaroon ba kayo ng panaginip o boses na narinig na nag-atas sa inyo upang manggamot Ka Berong?"

"Walang panaginip o boses, Doktor," sagot ni Ka Berong. "Ang tatay ko ay isang albularyo. Pinanonood ko siya habang nanggagamot kaya unti-unti akong natuto. Nang mamatay siya, ako ang naging kapalit."

"Pero paano dumami ang mga ginagamot ninyo?" tanong ko pa.

"Noong una ay mga anak ko at mga kapitbahay lang ang aking pasyente. Siguro nagkabalitaan kaya unti-unti silang dumami. Ngayon, pati mga taga-bayan at karatig probinsiya ay dumarayo na rito."

"Huwag kayong magagalit, pero tumatanggap ba kayo ng bayad sa inyong panggagamot," tanong kong mababa ang boses para walang makarinig. Para namang alam na ni Ka Berong ang aking itatanong tungkol sa bayaran.

"Kung pera ang pinag-uusapan, hindi ako tumatanggap sa mula’t mula pa kahit isang kusing."

"Nawawala ho ba ang bisa ng inyong panggagamot kung tatanggap kayo ng pera?"

"Hindi, Doktor. Isa pa’y gusto kong sabihin sa inyo ang isang sikreto. Gumawa ako ng panata sa Diyos noong ako ay nagsisimulang manggamot. Kung tutulungan Niya akong magpagaling sa mga maysakit, ipinangako kong hinding-hindi tatanggap ng kabayaran sa aking gagamutin."

vuukle comment

DIYOS

DOKTOR

GUMAWA

HUWAG

IBIG

ISA

KA BERONG

NAGKAROON

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with