Lacson resign ang isinisigaw ngayon
September 7, 2001 | 12:00am
Nitong nakaraang Miyerkules, sa kauna-unahang pagkakataon ay dumalo si Sen. Panfilo Lacson sa pagdinig sa Senado tungkol sa money laundering at drug trafficking na kanyang kinasasangkutan. Maganda na sana ang takbo ng pagdinig kung sinagot ni Lacson ang mga akusasyon laban sa kanya ngunit iba ang nangyari, imbes na siya ang tanungin siya ang nagtanong sa mga witness. Paano niya mabibigyang linaw ang mga usaping kanyang kinasasangkutan?
Patuloy na nalilito ang taumbayan dahil nalihis ang tunay na usapin dahil kung nais lamang ni Lacson na tapusin na ito ay sinagot na sana ang mga akusasyon laban sa kanya. Sayang ang pagkakataon na ibinigay kay Lacson para sagutin at linisin ang kanyang pangalan.
Binigyan siya ng mahabang oras para magtanong kay Intelligence Chief Col. Victor Corpus ngunit gusto niyang sirain ang kredibilidad ng huli at ni Mary Ong. Hindi nagtagumpay si Lacson kaya nauwi na lang sa hamunan ang nangyari sa kanilang dalawa.
Tila nailang si Lacson na magtanong kay Mary Ong tungkol sa drug trafficking. Bakit kaya? Dahil ba sa matatag ang kredibilidad ni Mary Ong na purong katotohanan ang kanyang mga salaysay? Kaya maraming sektor ng ating lipunan ang nanawagan na mag-resign na si Lacson. Masisira lamang umano ang Senado kung mananatili rito si Lacson dahil sa mga usaping kanyang kinasasangkutan.
Kayo, payag ba kayong mag-resign na lamang si Lacson?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended