^

PSN Opinyon

Uuwi na si Erap

SAPOL - Jarius Bondoc -
Shhh, huwag kayong maingay, scoop ito. Ngayong araw na ito sa Korte Suprema pag-uusapan na ’yung plunder case ni Joseph Estrada. Ito ’yung kasong isinampa ni Rene Saguisag, isa sa may akda ng Plunder Law nu’ng senador pa siya para ipa-deklarang unconstitutional ito. Huwag n’yo na akong tanungin kung ano ang pumasok sa kukote ni Saguisag, dahil hindi ’yan ang isyu.

Ang siste rito ay tungkol sa isang Justice na tawagin na lang nating ‘‘K’’, short for Kawatan. Itong si Justice K, mahilig talaga sa pera. At hindi basta pera, kundi malalaking halaga. Milyunan kumbaga. Notorious na siya sa pagbebenta ng desisyon sa highest bidder. Binabali ang batas, mapaboran lang ang nanuhol. At siyempre, alam na natin kung sino ang nanunuhol sa kasong pinag-uusapan natin. E di ’yung gustong makauwi sa chicks.

Alam ni Justice K na mahirap ipa-deklarang unconstitutional ang Plunder Law. Ipinasa ito ng 18 senador nu’ng panahon ni Cory Aquino. Panghadlang ito sa mga katulad ni Ferdinand Marcos, na sistematikong nagnakaw ng bilyun-bilyong piso sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng graft, corruption, bribery, extortion, at iba pang krimen. At ’yan ang buod ng plunder: Sistematikong pangungulimbat.

Kaya ang plano ni Justice K, paikutan ang kaso. Dahil alam niyang itataguyod ng matitino niyang kapwa-justice ang constitutionality ng Plunder Law, ibang klaseng desisyon ang ilalahad niya. Ipadedeklara na lang niya na mali ang isinampang kaso kay Erap sa Sandiganbayan. Sa draft decision niya, dapat daw ay violation lang ng Anti-Graft Law. Sa madaling salita, bailable. Palalabasing walang batayan para sabihing sistematiko ang pangungulimbat ni Erap. Paglabas ng desisyon, biglang magpipiyansa si Erap. Uuwi na siya para magplano at magpondo ng kudeta o ano pa mang destabilization laban sa gobyerno.

Mabuking sana ang plano ni Justice K. Masibak sana siya ng Korte Suprema. May sabit kasi siya. Hindi siya nag-inhibit bilang chairman ng bar exams miski alam niyang isa sa nag-e-eksamin ang pamangkin niya. Kailan lang, e, may naparusahang Justice dahil sa ganoong sala.
* * *
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

vuukle comment

ANTI-GRAFT LAW

CORY AQUINO

ERAP

FERDINAND MARCOS

JOSEPH ESTRADA

JUSTICE

JUSTICE K

KORTE SUPREMA

PILIPINO STAR

PLUNDER LAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with