Batas na hindi nakasulat
August 30, 2001 | 12:00am
Ako at si Mang Senting ay naglalakad papunta sa bayan nang madaanan namin si Tasyo na mag-isang nag-aararo sa bukid.
"Hoy Tasyo, bakit ka nagpepeyuk?" bati ni Mang Senting. Kumaway lamang si Tasyo sa amin.
Noon ko lang narinig ang salitang peyuk. "Ano ba ang ibig sabihin ng peyuk?" tanong ko kay Mang Senting.
"Pag nagtatrabaho kang nag-iisa ay tinatawag na nagpepeyuk. May kahalong hindi marunong makisama," sagot ni Mang Senting.
"Kasalungat ng salitang batares?" tanong ko?
"Kaya lang si Tasyo ay marunong makisama at makibagay," dugtong ni Mang Senting.
"Ano ang batayan mo?"
"Kung gusto mong malaman, Doktor, tingnan mo ang sagot ng mga taga-nayon kung tumawag ka ng pabatares. Halimbawa, may ipagagawa ka na kailangan ang tulong ng iba. Sasagot ang mga magsasaka na tinulungan mo. Kung wala kang tinulungan, walang darating. Iyan ang tanda ng marunong makisama."
Sa siyudad, ang patakarang sinusunod ay nakasulat na batas. Sa nayon, mas importante ang batas na hindi nakasulat.
Nang bago pa ako sa nayon, akala ko ang mga magsasaka ay tamad. Kasi nakikita kong wala na silang ginagawa mula alas-11 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Nalaman ko na alas-4 pa lang ng madaling-araw ay nagtatrabaho na sa bukid ang mga magsasaka para masamantala ang lamig at wala pang init ng araw. Sa hapon itinutuloy ang trabaho hanggang alas-6 ng gabi.
Ibig sabihin, nakapagtatrabaho sila ng 10 oras sa maghapon. At kapag nagpahinga sa lilim ay may binubutinting na iba pang gawain.
Kung iyan ay katamaran, hindi ko alam kung ano ang kasipagan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am