Kung lubha na tayong naliligalig sa mga problemang nangyayari sa bansa lets broaden our horizon at tingnan ang mga gusot na nangyayari sa buong daigdig. Malalaman natin na ang problema sa graft and corruption, droga, patayan, rape, giyera, terorismo at iba pang kasamaan ay nangyayari rin sa ibang bansa. Baka mas masahol pa kumpara sa Pilipinas.
Si Ed Silvoso ay isang Argentinian-American evangelist at nakatakda siyang bumisita sa National Press Club (NPC) bilang tugon sa paanyaya ng moral recovery committee ng NPC nitong Setyembre 1, 2001.
Inanyayahan naming dumalo sa pagtitipong ito na idaraos sa Bulwagang Plaridel ng NPC ang mga media practitioners kabilang na ang mga reporters, columnists, editors at publishers upang makinig sa sasabihin ni G. Silvoso for whatever it is worth.
Malaki kasi ang impluwensya ng media sa isip ng mga tao. Ano mang nailalathala sa pahayagan o napapanood sa telebisyon at napapakinggan sa radyo ay nagbibigay ng certain degree of influence in the minds of the people.
Media can convict or even exhonarate a person being charged of a crime even prior to the promulgation by the proper court.
Kapag may mga bigating taong nahaharap sa mga asunto, karaniwang pinapaandar ang propaganda machine. Sinusuhulan ang media upang sumulat ng mga balita o artikulong paborable sa taong naaakusahan.
Kaya nga may tinatawag na trial by publicity. If media is tainted with corruption, pati na ang madlang tumatangkilik ditoy nahahawahan ng katiwalian.
Ngunit ang katiwalian ay hindi ekslusibo sa isang sektor. Hindi lamang ito lumulukob sa mga politiko. Ang lahat ng tao ay puwedeng maging tiwali. Gaya ng sinasabi ng Biblia "All have sinned and have fallen short of Gods glory."
Ikaw, ako, tayong lahat, kung hindi man tayo gumagawa ng katiwalian ngayon ay maaaring magkamali sooner or later.
At sa pagdaraan ng mga araw, nadarama na natin ang kaganapan ng nakasulat sa 2 Timothy chapter 3 ng Biblia. This is about the difficult times to come when people will be greedy, selfish, boastful and conceited. Walang awa at walang takot sa Diyos.
Ano man ang ating relihiyon, iisa lang naman ang basic teaching: ang pagiging mabuti at pagbabalik-loob sa Diyos.
Ang Pilipinas ay nasa krisis. Wala. Wala na talagang taong makalulutas sa problemang ito. Tanging ang inner change ng bawat isa sa atin ang solusyon sa mabilis na pagkawasak ng moralidad ng ating lipunan.
Kung may nalalabi pang taong maka-Diyos, manalangin tayo at magsilbing ehemplo ng mga taong kinasihan ng Panginoong Diyos.
By the way, sa pagbisita ni Dr. Silvoso sa NPC, magkakaroon ng mini concert at ditoy aawit sina Dulce, Champagne Morales, Dinah Dominguez, The New Community Band, Jimboy at Noel Ramos.